PS♥ILY 58

1.8K 67 8
                                    

Myeisha's POV

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nag aya itong si Raven na mag mall. Kahit ang weird niya ngayon, hindi na ako nagsalita. Naglibot libot muna kami habang HHWW. Ewan ko pero parang may kakaiba dito sa lalaki na ito.

Doon tayo! turo niya. Napatingin naman ako sa tinuturo niya at halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Bench.

Pero hindi sa bilihan ng damit na bench..

Kundi sa mga trunks! Oo! Trunks lang naman!

Pulang pula ako habang hinihila niya ako papasok sa loob. Yung mga saleslady namann, ngiting ngiti sa aming dalawa!

Gosh! Nahihiya talaga ako!

Anong mas maganda? Ito ba o ito? turo lang ng turo si Raven na parang ok lang sa akin ang tinatanong niya eh halos himatayin na ako sa sobrang pagkakapahiya!

Ang sweet naman niya. Sinamahan niya pa talaga ang boyfriend niya..

Oo nga ano?

Bagay sila..

Rinig kong sabi nung mga nagbubulungang saleslady. psh. Bulong ba talaga yun? para namang hindi eh! bakit dinig ko di ba?

ito namang kasama ko, walang pakialm. hay! nahihiya na ako hindi niya pa din alam..

Ahmm.. saan mo ba gagamitin yan? tanong ko kay Raven na busy pa din sa pagtingin tingin.

Ah.. Punta kasi tayong resort. sabi niya na ni hindi man lang ako sinulyapan!

Tch.

pero wait..? Tama ba ang nadinig kong sabi niya?

Tayo? sabi ko na nakakunot noo na ikinalingon nya.

Oo, kasasabi ko lang di ba? wag mong sabihin na nabingi ka na? ngingisi ngising sabi niya sa akin bago ako hinila. Lipat tayo.

kung hindi ko lang talaga siya mahal! nakuuuu! pasalamat siya at kaya kong kontrolin ang sarili ko dahil kung hindi, batbat itong lalaki na ito ng kung ano-ano galing sa bibig ko. Psh.

Madami kaming napuntahan ni Raven pero hindi ko pa din naitatanong sa kanya kung saan at kung kailan tyung resort resort na yun. HHWW pa din kami. Lahat napapatingin sa amin dahil tawa kami ng tawa habang naglalakad. Kumakain ng ice cream, nagkukulitan, meron pang nag grocery kami ay tulak tulak niya ang cart tapos ako naman, nakasakay habng nagtututuro. Ang saya namin.

Sana lang talaga magtuloy tuloy na ang ganito.

Raven's POV

Masaya akong kasama siya. Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam kapag kasama siya. Hindi ko matukoy kung ano ito pero alam ko kung saan papunta ang ganitong pakiramdam. nakakahawa ang tawa niya. Yung pangungulit niya, pang-aasar niya. Sa totoo lang, lahat naman sa kanya nakakahawa eh. Kahit pagiging emotional niya nakakahawa din.

Kung titingnan siya, parang hindi siya umiyak sa harapan ko kanina habang nagkwekwento tungkol sa kanila. Gusto kong suntukin ang mukha nung Hiro para maiparamdam sa kanya ang sakit na naranasan ni Yesha. pero anong karapatan ko? Boyfriend niya nga ako at mahal niya ako. pero ako ba? Handa na ba akong mahalin siya pabalik?

Iba ang pakiramdam kapag kaming dalawa ang magkasama, Oo. pero andun pa din ang takot ko kapag naaalala ang death note. pagkatapos ng nangyari kay Yesha, wala naman akong nasesense na kakaiba pero ano bang malay namin kung mayamaya bigla bigla na lang di ba?

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon