PS♥ILY 65

1.8K 71 10
                                    

Trey's POV

Hindi ako makapaniwalang maaapektuhan ako sa sinabi ni Maggy. Alam kong pupuntahan niya agad ako dito kaya naman kinontact ko na agad yung babae na na-meet ko sa bar.

Para akong nauupos na kandila na napaupo at inilagay ang mga kamay ko sa ulo.

Are you happy now? Bigla akong napailing. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako masaya. Na kahit kailan, hindi ako naging masaya until she came. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya kanina at wala man lang akong magawa para maibsan yun.

You lived in life full of anger.

She's right. Buong buhay ko, ang galit ko sa mga Saito ang nanaig sa puso ko. Wala akong ibang ginawa kundi subaybayan kung anong nangyayari sa buhay ni Raven. Wala akong ginawa kundi ma-insecure. Mapride akong tao pero ng madinig ko ang sinabi ni Maggy kanina, isa lang ang alam kong ginawa niya ng mahalin niya ako..

Nilunok niya ang pride niya para makuha ang pagmamahal ko na kahit kailan ay hindi ko ibingay.

I treated her like a toy. Pinagbantaan ko pa ang buhay ng kaibigan niya na kung tutuusin ay wala namang naging kasalanan sa akin. How stupid could I get?!

Napapikit ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at bigla akong nangilabot ng maalala ko ang mga ginawa ko makagulo lang ng isang relasyon.

Bigla ang pagdagsa sa akin ng mga alaala..

Mom? Where's Daddy? tanong ko noon sa Mommy ko habang prente siyang nakaupo sa living room at nagbabasa ng magazine. Kalalabas ko lang sa school.

Nilingon ako ni Mommy at nginitian. Ngiting alam kong kahit kailan, hindi umabot sa mga mata niya.Nilapitan niya ako at tinitigan. Malaki ka na, Trey.. Siguro kapag may sinabi sayong sekreto si Mommy, maiintindihan mo na. You're a big boy na naman right?

Tumango ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mommy pero big boy na naman ako kaya alam ko maiintindihan ko yun..

Mommy is a mistress.

Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Napabitaw din ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Naiyak naman ang mommy ko sa naging reaksyon ko kaya dali-dali ulit akong lumapit sa kanya.

Im sorry, Trey.. Nang makilala ko si Gary noon, hindi ko na pinalampas. I know I am such an idiot na makipagrelasyon sa may asawa na. Pinilit kong kalimutan na lang ang lahat sa amin pero nagbunga ang pagkakamaling iyon.. Hanggang sa malaman ng asawa niya at ng anak niya.. Pinapili si Gary ng asawa niya pero tayo ang pinili niya. umiiyak na sabi ni Mommy sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Then, where's Daddy? takang tanong ko dahil matagal ko ng hindi nakikita si Daddy.

He's gone..

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Gone? What do you mean, mom?!

He met an accident on his way here.. Paliwanag ng mommy ko. I can't believe what she said. Bakit ang tagal niyang itinago sa akin ito?

Can we.. can we visit him? tanong ko. Nagliwanag ang mukha ko ng tumango siya. Agad kaming nagtungo sa museleo ng mga Saito kung saan nakalibing ang Daddy ko. Pero nang dumating kami, may isang bata na nandun. Lumapit kami ni Mommy sa kanya.

Who are you? Matatalim ang mga mata niyang nakatingin sa amin. Hindi pa man kami nakakasagot ay dinugtungan na niya ang sinabi niya. Are you his mistress?!

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon