Someone's POV
Anong meron sa kanilang dalawa at ayaw pa nilang maglayo?
Mukhang nahuhulog na si Raven sa kanya?
Malapit na ang birthday ni Raven, maalala kaya niya?
Palihim ko silang tinitingnan.. Nasa ospital pa din ai Myeisha dahil sa kagagawan ko.
Oo, sinadya ko yung paglalaglag ng paso kay Myeisha para kahit pano ay matauhan sj Raven..
Pero mukhang nagkamali ako.
Mas lalo niyang pinotektahan si Myeisha. Hindi nuya ba alam na dahil sa kanya kaya ako gumaganti?
Brittany's POV
Grabe talaga yung nangyari kay Bes. Hindi ako makapaniwala na may gagawa ng ganun sa kanya. Kahit naman may pagkamaldita yung luka ljkang yun, mabait yun..
Saka magaling magpakilig. Haha!!
Natatawa pa din ako kapag naaalala ko ang itsura ni Raven sa banat ni Mye.
Kapag ikaw kaya sinabihan ko ng ganun, kikiligin ka?
Opsss! May umimik po sa tabi ko. Wala akong narinig. Pwe!
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng ospital. Bibili ko muna si Mye ng mga prutas. Mabuti na lang talaga at ok na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko nung matanggao ang tawag ni Seb na naaksidente ang besprend ko. Psh.
Malaman ko lang talaga kung sino siyà, ipapakain ko ang mukha niya sa kamao ng mga bodyguard ko.
Pero may pagka-mazona ka, kaya siguro sapakin mo lang ako kapag bumanat ako ng ganun..
Snob ko pa din si Nico. Bakit ba kasi sinamahan pa niya ako eh kaya ko namang lumabas ng mag-isa?
Ang kulit at ang daldal!
Hindi na nga ako iimik!! inis na inis ng sabi niya dahil hindi ko pa din siya pinapansin.
Mabuti naman at mabilis makiramdam ang lalaki na ito ngayon.
Myeisha's POV
Nakakasakal naman sa ospital! Gustong gusto ko nang umuwi at manood ng tv. Psh.
Nakakamiss kayang manood ng Doraemon, Jackie Chan, Inuyasha, Kuroku's Basketball at madami png iba!
Pang-ilang linggo na ba ako dito? Ok na naman ako pero nagpumilit pa din si Raven na manatili pa din daw ako dito.
Tch.
Wala eh.. Masyado niya akong mahal.
Hahaha!
Sa loob ng ilang linggo na yun, hindi niya ako iniwan. Kung iiwan niya naman ako kasi papasok siya. May iiwan siyang mag-aalaga sa akin tapos dadalawin niya ulit ako at aasikasuhin.
Sweet niya ano?
Effort na effort. Ok lang sa akin kahit hindi niya sabihin yung 3 words. Pinapakita naman niya sa akin at sapat na yun.
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
Fiksi RemajaAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...