Characters
Simon At kins and Kim Chiu
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I want to meet Kim Chiu tweet ni Simon.
Noong maghayag ng paghanga si Simon kay Kim sa twitter ay halos 2 months pa lang break sina Kim at Gerald.
Naging top trending topic si Simon sa Yahoo Philippines. Kaya naman maraming nagsasabi na ginagamit niya lang si Kim for publicity.
-----------------
"May malaking pasabog daw si Gerald. Mamaya sa pagbabalik ng ASAP ROCKS." masiglang pagkakasabi ni Jericho.
Katatapos lang ng isang prod nang biglang lumabas si Gerald. "Maganda tanghali po sa lahat." nakangiting bati ni Gerald. "Mahirap po para sa akin ito. Napamahal na ako dito sa ASAP" mangiyak ngiyak na sabi ni Gerald. "Pero kailangan ko po muna magpaalam."
Iba-iba ang reaction ng mga tao sa studio.
"Gerald, ano ito?" gulat na tanong ni Enchong.
Nagsi-labasan ang iba pang co-host, co-performers nang malaman nilang nagpa-paalam na si Gerald.
"Naka-usap ko na si Mr. M. payag naman siya. Gusto ko po kasi muna mag-concentrate sa pagba-basketball. Pangarap ko iyon." paliwanag ni Gerald.
"Gerald........" malungkot na pagkakasabi ni Anne.
"Pagkatapos po nito hindi na ako tatanggap ng mga interviews. Gusto ko po sana tapusin lahat ng issue tungkol sa akin noon at ngayon. Sa madaling salita sasagutin ko po lahat nang tanong nyo."
"Ge, ano ba.... Tama..." hindi maiwasang sigaw ni Kim para awatin ito sa balak na gagawin ni Gerald.
"Opo, totoong naging kami ni Kim. At si Bea ang dahilan ng paghi-hiwalay namin."
"Gerald, Ano ba?" umiiyak na sigaw ni Kim. "Pwede ba bitawan niyo ako?" naiinis na sabi ni Kim kay Sam at Angelica.
Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nina Sam at Angelica, natatakot ang mga ito baka kung ano ang magawa ni Kim.
Patuloy namang sinasagot ni Gerald ang mga tanong ng mga tao sa studio. Live na napapanood ang ASAP sa mga oras na iyon.
Nang makakuha ng pagka-kataon si Kim na tumakas sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya nina Sam at Angelica, tumakbo ito sa kinaroroonan ni Gerald, na nasa gitna ng stage.
"How dare you?" umiiyak na sabi ni Kim sabay isang malakas na sampal.
Nagulat ang mga tao sa studio pati na rin ang mga co-performers sa ginawa ni Kim.
Nananatiling nakangiti lang si Gerald sa ginawa ni Kim.
"Huwag mo ako ngitian, dahil walang dahilan para ngumiti ka. Kung akala mo makukuha mo ako sa pagpapa-cute mo, sorry dahil hinding-hindi na ako palo-loko sayo,"
Hindi nakaimik si Gerald.
Nagpatuloy naman si Kim sa pagsa-salita.
"Alam mo ba kung paano kahirap para sa akin ang makipag-plastikan sayo on screen?. Ang hirap kasi feeling ko pinagmu-mukha kung tanga ang mga fans na walang tigil na nagmamahal sa akin, sa atin." humihikbing sabi ni Kim. "Nasasaktan ako tuwing nakikita ko sa twitter at facebook na iyong mga fans gumagawa ng Anti Simon Atkins Page, Jason Abalos, Jolo. Tapos iyong mga fans nag-aaway dahil ang alam nila ay okay ang lahat na okay tayo."
"I'm sorry....." 'yon lang ang nasabi ni Gerald.
"Sorry?..... Huli ka na, hindi ko kailangan ng sorry mo."