PT 1

282 2 0
                                    

Hindi naman masyadong traffic kaya nakarating kaagad si Simon sa Studio.

Tulad ng inaasahan, marami na ngang reporters sa labas. At alam ni Simon na si Kim ang pakay nila.

"Shit!!!" iyon nalang ang nasabi ni Simon ng makita niya ang mga reporters sa labas. "Sigurado pagpi-fiestahan kami ni Kim kung sakaling makita nila kami."

Tatawagan na ni Simon si Kim ng may magbukas ng pinto sa backseat ng sasakyan.

Si Kim......

Nakalimutan i-lock ni Simon 'yong pinto sa backseat.

"Bilis!!! Alis na tayo. Baka mapansin nilang wala na ako sa loob."

Pinaandar naman kaagad ni Simon ang sasakyan.

Matagal namayani ang katahimikan, tila nagpapaki-ramdaman...

"Ayaw mo ba dito sa harap? Mas maganda siguro na dito ka kasi mainit diyan sa likod." basag ni Simon sa katahimikan.

Init na init na si Kim....

"Sige"

Lumipat si Kim sa frontseat.

"Paano ka nakatakas doon kanina?" tanong ni Simon.

"Kanina pa ako naghihintay sa fire exit, ina-abangan ko itong sasakyan mo,."paliwanag ni Kim. "Kaya nung makita ko itong sasakyan mo, pa-simple akong nag-lakad papunta sa kinaroroonan nitong sasakyan mo."

"Buti naman at alam mo ang hitsura ng sasakyan ko eh, ngayon palang naman tayo magmi-meet,"

"Haller!!! Siyempre kapag artista ka, dapat kang maging alerto... Makakalimutan ko ba itong hitsura ng sasakyan mo.... Madalas ko kaya mapansin na naka-park ito malapit sa bahay ko. Tapos nakita ko rin ito last friday sa taping ng Your Song ko..."

"Paano ka nakakasiguro na ako iyon, baka kamukha lang ng sasakyan ko,"

"Pero lahat ng nakita kung sasakyan sa location ng taping at sa bahay ay pare-pareho ang plate numbers." tumaas ang kilay ni Kim at tumingin kay Simon..

"Eh, Paano mo nalaman na ako 'yon?"

"Close ako kay Ate Kris Aquino na kapatid ni President P-noy. Tinanong ko kung kaninong plate number iyon." natatawang sabi ni Kim.

Natawa si Simon. "Okay, I just want to know lang naman kung safe ka nakaka-uwi,"

"Oh, bakit hindi ka lumalapit?" tanong ni Kim.

"Nahihiya ako eh."

Ngumiti lang si Kim.

"Saan tayo ngayon? Ihahatid na ba kita sa bahay mo?" pag-iiba ni Simon sa usapan.

"Oh, I'm sorry... May lakad ka ba ngayon?"

"No, you don't need to say sorry. I'm free today. And you know what?"

"What?"

"I'm happy to be with you now, Kim." seryosong pagkakasabi ni Simon.

Medyo nailang si Kim sa sinabing 'yon ni Simon. Kahit na ngayon pa lang sila nag-meet nito ay hindi niya itatangging nage-enjoy siyang kasama ito. Kahit papaano nakalimutan niya ang showbiz, nakalimutan niya si Gerald.

"So? Ano na?" tanong ni Simon..

"Sa mundo mo nalang ako dalhin... Sa court... Can you do that for me, my Captain?" sabay ngiti.

"Is that all what you want? I'll do anything, just for you my princess." sabay ngiti.

"May ganun talaga, ah. Well,, thank you kasi sinamahan mo ako ngayon."

"No problem, My princess." sabi ni Simon....

Tumigil ang sasakyan.

"Dito ka lang," sabi ni Simon bago bumaba ng sasakyan.

"Sasama ako," inayos na ni Kim ang mga gamit niya.

"Kung ayaw mong pagpiyestahan tayo, diyan ka lang. Hindi naman kita iiwan. Stay here okay?" sinabi ni Simon, sabay kindat.

Isinara na ni Simon ang pinto ng sasakyan at saka nag-lakad diretso sa kinaroroon ng guard.

"May naiwan po ba kayo?" tanong ng guard.

"Mang Jerry wala na bang tao sa loob?" tanong ni Simon sa Guard.

"Wala na. Kaaalis lang ni coach," sagot ni Mang Jerry.

"Good," ngumiti si Simon.

"May kukunin ba kayo sa loob?"

"Wala naman. Favor sana." nangingiting sabi ni Simon.

"Sige po sir. Ano ba 'yon?. Eh ang dami ko ng utang sa inyo."

"Ano ka ba? Sabi ko sayo na okay na ako sa simpleng thank you,..." nangingiting sabi ni Simon.

"Ang dami ko nang utang sa iyo. Tapos last month kayo lahat nagbayad ng mga babayarin sa pagka-confine ni Jasmine sa hospital. Nakakahiya na eh,"

Napakamot si Simon sa ulo. "Tumutulong ako. Hindi ako humihingi ng kapalit. Para ko nang kapatid si Jasmine."

Si Jasmine ay anak ni Mang Jerry. Isang araw ay humingi ito ng tulong sa coach ng Purefoods dahil hinihika na naman si Jasmine at kailangan itong dalhin sa hospital. Kaya noong na-confine si Jasmine last month. Isa si Simon sa mga nag-bigay ng tulong.

Dalawang buwan na ring tumutulong si Simon at ni minsan ay hindi siya humingi ng kapalit.

"Kahit ito nalang siguro ang kapalit mang Jerry."

"Ano ba yon?. Huwag kang mahihiyang mag-sabi"

"Puwede mo bang patayin iyong surveillance camera?" pagmamakaawa ni Simon.

"Alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari... Mawawalan ako ng trabaho."

"Alam ko naman iyon. Pero-----" bago pa makapag-paliwanag si Simon ay pumayag na si Mang Jerry.

Napayakap si Simon kay mang jerry at nakipag-kamay. "Thank You,... Salamat talaga."

"Oh, sige na." napatingin si Mang Jerry sa naka-park na sasakyan ni Simon. "Sino 'yong nasa loob ng sasakyan mo?"

"Sige na. Mamaya na lang."

Ngingiti-ngiting lumapit si Simon sa sasakyan.

Perfect Two(Kim Chui Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon