Tulad ng inaasahan marami ng tao sa Araneta...
Naupo si Kim at Kitkat malapit kina Claire...
"San kapatid mo?!?" tanong ni Kitkat kay Claire..
"Hindi ko nga alam... Sabi niya kasama niya si SimonV..." sagot ni Claire...
Hindi rin naman kasi nagsabi si Simon kay Kim kung saan ito pupunta kaya naiinis nanaman si Kim...
First, Second, Third at Last quarter, hindi man lang nagparamdam si Simon kay Kim...
Saktong sakto katatapos ng game nung biglang patayin ang ilaw sa buong araneta, hudyat iyon na magi-start na ang Flash mob kaya tumayo na si Kim sa kinauupuan niya....
Pati sina Claire at Raezen ay walang alam na may magaganap na flash mob... Halos lahat ay nagpapanic...
Laking gulat nalang ng lahat nung biglang umilaw ang spotlight sa gitna ng court kung saan si Maja ang iniilawan habang sumasayaw...
Unti unti na ring pumasok ang iba pang mga Artist sa court... Pati si Kim ay pumasok na... Sumasabay ang pagkislap ng mga ilaw sa tugtog....
Super nag-enjoy lang ang mga tao, dahil wala silang kaalam alam na may ganun...
Tumagal ang Flash Mob ng halos 12 minutes...
Muling namatay ang ilaw, laking gulat nalang ni Kim nung makita si Simon naglalakad palapit sa kaniya...
Nagtitilian ang lahat...
Napatingin naman si Kim sa mga kaibigan niya at nakita niyang nagkukumpulan ang mga ito na nagngingisian...
"Ano 'to?!?." tanong ni Kim kay Simon nung makalapit ito sa kaniya...
Kinikilig si Kim sa mga oras na iyon, gusto niyang hampasin si Simon...
Iniabot ni Simon ang bouquet ng flowers kay Kim... Nangingiti si Simon..
"Ano ba kasi 'to?!?.." nanginginig ang boses niya... Never niyang in-expect na magkakaroon ng ganun eksena sa araw na iyon...
May hinugot si Simon sa bulsa niya pagkatapos ay unti-unting lumuhod sa harapan niya....
Nagtitilian ang mga tao sa Araneta si Kim naman ay parang timang na hindi na alam ang nangyayari..
Huminga ng malalim si Simon bago nagsalita... "Kim, today I have taken the matured decision and have listened to my heart. My heart is always full of your thoughts so much that I can’t put anything else in it... We have been close to each other for quite sometime now... I have spent some great moments with you and you have always been my best friend... Kim, you know how special you are to me so i want this friendship to turn into a lifetime commitment and wish you to become a part of my life.."
Nanginginig ang tuhod ni Kim, iba pala iyong feeling kapag nagpro-propose sayo iyong taong mahal mo.....
Sa TV niya lang iyon nagagawa never niya naisip na may makakagawa nun sa kaniya, knowing na mahiyain si Simon and you'll never imagine na kaya niya iyong gawin sa public...
Nangingilid ang luha ni Kim...
Muling huminga ng malalim si Simon... "Kim, will you marry me?!?..." diretsong tanong ni Simon...
Napalunok si Kim pagkatapos ay huminga ng malalim... "Yes! Yes! Yes! Yes!" walang alinlangang sagot ni Kim...
Abot tenga ang ngiti ni Simon pagkatapos ay isinuot kay Kim ang proposal ring... Tumayo si Simon at niyakap ng pagkahigpit higpit si Kim.... "I love you..." sambit ni Simon pagkatapos ay dinampian ng halik si Kim sa labi...
"I love you too.." sagot ni Kim pagkatapos ay muling niyakap si Kim...
"I promise you that i'll be truly yours forever... I love you..."
Will they have a happily ever after?!?