"Gerald...... Paano mo nagawa sa akin iyon?!?...... Ayoko na, Tama na......" sambit ni Kim....
"Kim, i'm sorry... Hindi ko naman ginusto iyong nangyari..... Nag-sawa na ako, iyon na siguro iyon, wala na tayong spark kaya, siguro naghanap ako at nahanap ko iyon kay Bea....." sagot ni Gerald....
"Tama na.... Ako na ang tatapos nito.... Ayaw ko ng magpaka-tanga sayo.... Ayoko na, Tama na, Tama naaaaa!!!....." sigaw ni Kim.....
"Kim, Kim, Kim!!!" gising ni Simon kay Kim.....
Nagising si Kim, nakita niya si Simon nasa tabi niya..... Yinakap niya ito ng mahigpit......
"Are you okay?!?..... Nananaginip ka....." hinaplos ni Simon si Kim sa mukha at muling niyakap si Kim.....
Hinihingal si Kim, nanginginig, hindi siya makahinga para siyang sinasakal........
"Okay ka lang?!?...... Gusto mo ng tubig?!?" tanong ni Simon kay Kim, na hindi pa rin mapakali.....
Tumango lang si Kim.....
"Manang Jenny, tubig nga......" utos ni Simon kay Manang Jenny....
Hindi pa rin mapakali si Kim......
Hindi pa nagtagal pumasok na sa kuwarto si Manang Jenny dala ang isang baso ng tubig.....
"Iwan, ko muna kayo......" sambit ni Manang Jenny ng mailapag nito ang baso sa may side table.......
Tumango lang si Simon.... Iniabot ni Simon ang baso kay Kim....
Uminom si Kim ng tubig.....
"Okay ka na?!?....." tanong ni Simon.....
Hindi alam ni Kim bigla siyang napaiyak.....
"Stop crying!!!" sambit ni Simon atsaka niyakap si Kim....
"Bakit ganun?!? Bakit bumabalik iyong mga nangyari dati?!? Kung kelan okay na ako, tsaka ulit babalik.... Ayaw ko na,, ang sakit!!!...." humihikbing sambit ni Kim habang nakayakap kay Simon.....
"Kim, look at me..." sambit ni Simon...
Tinitigan ni Kim si Simon sa mata...
"I'm here, okay?!? Don't worry.... Hangga't andito ako, hindi ka nila pwedeng saktan.... Kapag nasasaktan ka, doble iyong sakit na mararamdaman ko.... Stop crying please...." sambit ni Simon at muling niyakap si Kim....
"Thank You... Thank You...." pagpapasalamat ni Kim kay Simon habang kayakap ito....
Hinaplos ni Simon si Kim sa kanyang likod..... "Don't worry, i'm here...." sambit ni Simon.....
Kumawala si Kim sa pagkakayakap kay Simon,,....
Pinahid ni Simon ang mga luha sa pisngi ni Kim.... "Baba na tayo?!.... Nakahanda na iyong almusal sa baba...." sambit ni Simon atsaka tumayo na ito....
Hinawakan ni Kim si Simon sa kamay...
Napatingin si Simon kay Kim.... "Gusto mong kumain sa Garden?!?" tanong ni Simon, dahil ang akala niya iyon ang tatanungin ni Kim...
Napangiti si Kim.... "Hindi!!... Ito naman, mapapagod lang si Manang Jenny..... I just want to say Thank You,...." nangingiting sagot ni Kim....
Umupo ulit si Simon sa kama, sa tabi ni Kim hawak hawak ang kamay nito..... "Ayan ang gusto ko.... Makita lang kitang ngumiti, sapat na iyon bilang Thank You..... Bilis!!! Tayo na...." tumayo na si Simon sa pagkakaupo sa kama atsaka hinila si Kim patayo.....
Na-out of balance si Simon at ka-muntikan na sila matumba ni Kim.....
Halos magkalapit na ang mga mukha nila...... Eye to Eye....