Naging maayos naman ang pagso-solo ni Kim sa Boracay pero mas naging exciting iyon nung malaman niyang nandun din pala ang mga kaibigan niyang sina Jewel Mische at Jason Abalos...
Minsan na ring na-linked si Jason kay Kim pero wala naman na iyon sa kanila dahil magka-relasyon na sina Jewel at Jason...
"Uy, Kim pasok pala sa semi finals ang Purefoods... Balak namin manood sa Sabado baka gusto mong sumama samin?!?.. Kasama rin sina Maja at Matteo.." paanyaya ni Jason kay Kim habang tumatambay sa isang sikat na bar sa Boracay...
Siniko naman ni Jewel si Jason sa tiyan at minulatan ng mata.. Alam rin kasi nito ang nangyari kina Kim at Simon kaya nahihiya siya sa mga pinagsasabi ni Jason... "Tumigil ka nga.." ani nito..
"Oh bakit?!?.. Masama ba mag-invite?!? Atsaka andun naman si Simon.." mahina ang pagkakasabi ni Jason sa pangalan ni Simon, doon niya lang naalala ang nangyari kina Kim at Simon kaya muli siyang napasulyap kay Kim at humingi ng pasensya.. "Sorry ha... Nakalimutan ko kasi.." nangangamot ulong ani ni Jason..
Nangiti si Kim pero makikita sa mga mata niya na nalulungkot ito... "Ano ba!!!.. Okay lang ako.. Hindi naman ganun ka-grabe iyong nangyari.."
Hinawakan naman ni Jewel ang kamay ni Kim... "Concern lang kami.." ani nito..
"Huwag kayong ganyan ha!!! Okay lang nga talaga ako.." sambit ni Kim sabay pilit na ngumiti..
"Sabi mo eh.." kontentong sagot ni Jason..
Nangiti si Jewel.. "Pero kapag gusto mo ng kausap andito lang ako ha..." paalala ni Jewel..
Nangiti lang naman si Kim at natuwa dahil meron siyang mga kaibigan na laging nandyan at nag-aalala sa kaniya...
"So kailan ka babalik ng Maynila?!?.." maya maya'y tanong ni Jason..
"Sa Sunday pa sana ang balik ko ng Maynila kaya lang medyo hindi ko yata kayang mag-isa nalang dito eh bukas na balik niyo, kaya pina-rebook ko nalang ung flight ko bukas..." sagot ni Kim...
"That's good!!!.." nangingiting reaksyon ni Jewel.. "So what time flight mo?!? Kasi kami 4 o'clock ng hapon..." tanong pa niya..
"Ahmmm... Halos magkasunod lang ang flight natin... 4:10 iyong sa akin..." simpleng sagot ni Kim...
Alas singko na ng hapon nung lumapag sa Maynila ang sinasakyan na eroplano nila Kim... Halos magkasunod lang silang lumabas ng airport...
Sina Maja at Matteo ang sumundo sa kanila... Nagulat ang mga ito dahil hindi nila alam na babalik na rin si Kim..
"Mamasyal muna tayo?!?..." paanyaya ni Matteo nung nasa sasakyan na sila...
Sumangayon naman ang lahat except kay Kim... "Kayo nalang... Magpapasundo nalang ako kay Mang Bert.." ani ni Kim..
Lumapit si Maja kay Kim at ipinulupot ang braso nito sa braso ni Kim... "Doon ka nalang magpasundo..." sambit nito..
"Kaya nga.." pagsangayon naman ni Matteo..
Binuksan naman ni Jason ang pinto ng backseat ng sasakyan... "Tara na Kim... Kakain lang naman tayo eh..." pangungulit nito..
Makakatanggi pa ba si Kim sa mga kaibigan niya na laging nandiyan at lagi siyang pinapasaya?!?..
"Sige na nga... Basta kakain lang tayo ha,.." paalala ni Kim..
"Oo na..." sagot ni Jewel..
"Uy mah friend, i-text mo nga si Ate Kams pasabi sa kaniya na sunduin ako ni Mang Bert ha..." baling ni Kim kay Maja..
"Ohhh bakit?!?.. Hindi ka pa bumili ng phone mo?!?.." nakataas kilay na tanong ni Maja...
"Wala akong time na bumili eh... Pumunta ako ng Boracay para mag-trabaho..." nangingiting sambit ni Kim..