PT 5

189 2 0
                                    

Pauwi na sina Kim at JP. Katatapos lang ng game. Sina Simon ang panalo.

Nakasakay na sina Kim at JP sa kanilang sasakyan. Palabas na sina ng parking area ng magsalita si Kim.

"Close na close yata kayo?"

"Sino?" tanong ni JP habang naka-concentrate sa pagda-drive.

"Alam mo na kung sino iyong!" hindi alam ni Kim kung bakit hindi niya mabanggit banggit ang pangalan ni Simon.

"Sino nga?" nang-aasar na tanong ni JP kahit alam niya kung sino ang tinutukoy ni Kim.

"Si Simon," pasigaw na sabi ni Kim.

"Ate, huwag kang sumigaw." sumigaw rin ito.

"Ano nga? Bakit close na close kayo? Kung mag-tawanan kayo, parang parang kilalang kilala mo siya." curious na tanong ni Kim.

"Naa-alala mo pa naman siguro 'yong nangyari dati sa ASAP, nung nag-paalam si Kuya Gerald?"

Tumango lang si Kim.

"Diba pinapunta mo si Kuya Simon sa studio. Tapos sinabi mong wag ka na niyang i-text o tawagan!" paliwanag ni JP.

Binalikan ni Kim ang mga nangyari sa kanila ni Simon noon. Na-guilty siya, naisip niyang nag-over react siya. Halos hindi naman niya alam kung bakit aalis si Simon pero umasta siya ng ganun.

"Tapos nalaman ni Papa 'yong ginawa mo. Sinabi ni Ate Kam sa kanya. Inutusan ako ni Papa na puntahan si Kuya para mag-sorry, buti nga naabutan ko pa siya dati sa airport." paliwanag ni JP.

"Tapos?" tanong ni Kim.

"Kasi aalis na sila noon eh, hindi na kami puwedeng mag-kwentuhan dahil magche-check in pa sila. Kaya binigay ko nalang calling card ko.."

"Kailan pala siya bumalik dito sa Pilipinas?" tanong ni Kim.

"Umuwi siya last week. Nagulat nga ako nung tumawag siya sa akin na sunduin ko daw siya sa NAIA. Walang nakakaalam na umuwi siya."

"Ah, ganun ba?" 'yon nalang nasabi ni Kim.

"Infairness, kay kuya. 19 ang jersey number niya."

Ngumiti nalang si Kim.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Pauwi na rin si Simon.

"Ang ganda pa rin niya," nakangiting sinabi ni Simon habang nagmamaneho siya pauwi.

Nag-ring ang phone niya. Mommy niya ang caller.

"Anak, asan ka na? Dito ka ba kakain sa bahay?" tanong ng Mommy ni Simon.

"Yes, Mom. Malapit na ako. Sige po at nagmamaneho ako."

"O, sige bye... Ingat ka."

Ibinaba na ni Simon ang phone at saka nag-concentrate sa pagda-drive.

"Mom, I'm here na," masayang sinabi ni Simon pagkapasok sa bahay.

"Kuya," tumakbo ang kapatid ni Simon at yumakap sa kanya. "I miss you, Kuya."

"Kailan ka bumalik galing America??" yumakap si Simon sa kapatid niya.

"Yesterday."kumawala ito sa yakap ni Simon.

"Bakit hindi ka nag-sabi?"

"It's okay. I know naman na you're busy."

"Claire and Simon kain na." tawag ng Mom nila na nasa dining area.

Nagku-kuwentuhan sila habang kumakain ng dinner.

Perfect Two(Kim Chui Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon