PT 8

135 2 0
                                    

"This is who I am, This is who i've always been. This is who I will always be.... GOOD MORNING, Kimberly!!..... Have a safe day.." Ngingiti-ngiting binasa ni Kim ang message ni Simon.

Naka-ayos na ang mga gamit ni Kim. Ready na siyang pumunta sa ASAP rehearsal.

"Good Morning din sayo." reply ni Kim sa text ni Simon ng makasakay na siya sa sasakyan.

"Kuya Bert sa ASAP Studio tayo..." Baling ni Kim sa personal driver nya na si Kuya Bert.

Simula ng mag-artista si Kim 5 years ago si Kuya Bert na ang driver nya kaya hindi na sila nagkakahiyaan,, minsan nga, Tatay na ang tawag ni Kim kay Kuya Bert....

Pinaandar na ni Kuya Bert ang sasakyan.

"Kim, diba every Saturday ang ASAP Rehearsals mo?" tanong ni Kuya Bert kay Kim ng medyo nakalayo na sila.

"Ipina-cancel lahat ni Mr. M. ang mga Mall shows ko eh, para naman daw makapag-pahinga ako," sagot ni Kim.

"Buti naman.. Awang-awa na ako sayong bata ka, halos wala ka ng tulog," pag-a-alala ni Kuya Bert.

"Kuya Bert naman... Parang hindi nyo ako kilala.. Kelan ba ako huling nag-kasakit? Last year pa yata 'yon...."

"Buti nga at medyo tumaba ka na...."

"Kuya, Don't worry... Malakas ako, okay?"

Hindi na sumagot si Kuya at nag-concentrate nalang sa pagda-drive...

"ASAP STUDIO"

"Mah Friend!!!!" tumakbo si Maja ng makita niyang papasok na si Kim ng Studio..

Yumakap ito kay Kim.

"Mustah ang family dinner nyo kagabi?" nakangiting tanong ni Kim atsaka umakbay sa balikat ni Maja.

"Sorry ,ah. Late kasi ako nasabihan ni Tito Philip, hindi ko alam na may family dinner pala kami, kung alam ko lang eh di sana hindi na kita inimbitahan lumabas.." malungkot na paliwanag ni Maja.

"Okay lang," tinapik ni Kim si Maja sa balikat atsaka tumawa...

Tumaas ang kilay ni Maja.. "May hindi ka sinasabi sa akin, mah friend!!! Share naman dyan,,"

Humagikgik si Kim. " Mahabang storya, mah friend...." Pagkasabi nun ni Kim ay inunahan na niya si Maja sa paglalakad..

Napatigil si Maja at nag-isip.. "Ano kaya 'yon?"

Ini-enjoy ni Kim ang dance rehearsal niya with Matteo, Xian and Jolo... Ngiti-ngiti siya.. Hindi niya alam kung bakit,, basta ang alam niya masaya siya...

"Good Job, Kim..." Masiglang pagkakasabi ni Teacher Georselle.. Tuwang-tuwa si Teacher Georselle dahil nakuha kaagad ni Kim ang mga dance steps para sa farewell dance prod ng "My Binondo Girl".

"Ang galing mo kanina, Kim, ah... Nakuha mo lahat ng steps... Ang galing nung paganyan-ganyan mo oh (sabay kembot pababa-pataas,) turuan mo naman ako.." sambit ni Xian..

"Apir nga tayo, Jade (pangalan ni Kim sa My Binondo Girl)... Galing mo..." sambit ni Jolo....

"Aagawan mo na yata ng pwesto ang, Mah Friend mo ah... Ikaw na yata ang The Primetime Drama Dancing Princesss..."

Tumawa si Kim.. "Tumigil nga kayo..." pagkasabi nun ni Kim bigla siyang nalungkot...

"Oh, bakit sad face?" tanong ni Matteo.

"Mami-miss ko kasi ung mga bondings nating na ganito... Last 1 week na kasi ng My Binondo Girl..." sambit ni Kim.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" sabay-saby na reaction nila Jolo, Matteo at Xian...

Perfect Two(Kim Chui Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon