Dalawang araw ang lumipas.
Nagising si Kim sa ringtone ng kanyang phone. Tumatawag si Maja, mabilis naman iyong sinagot ni Kim.
"Hello?" inaantok na pagkakasabi ni Kim.
"Kagigising mo lang, 10:30 na ah?" prangkang tanong ni Maja.
"Oo, napagod ako kahapon. Remember last taping ng My Binondo Girl?"
"Oo nga pala. Nakalimutan ko kasi, eh." natatawang sabi ni Maja.
"Bakit ka nga pala tumawag?"
"Today is wednesday. Wala akong work, ano gimmick tayo?"
"Titignan ko muna sched ko,"
"Okay na. Natawagan ko na si Mr. M."
"Oh, anong sabi?" tanong ni Kim.
"Okay daw, gift na daw niya sayo, halos hindi ka na daw kasi nag-e-enjoy puro ka nalang daw trabaho."
"Ano pa ba magagawa ko? natawagan mo na pala si Mr. M."
"Good, see you later. Magkita tayo sa bar 7:30." pagkasabi nun ni Maja ibinaba na niya ang phone.
"Hello? Andyan ka pa?" natatawang ipinatong ni Kim ang phone sa kama.
Tumayo na si Kim sa pagkakahiga at tumungo sa bathroom para maligo.
-------------------------------------------------------------------------------------------
"Kuya, how about kung invite mo si Kim sa golden wedding anniversary nila Mom and Dad on Saturday?" tanong ni Claire.
"Are you kidding me?" gulat na tanong ni Simon sa tanong ni Claire.
Nasa sala sila nanonood ng "My Amnesia Girl 2" with Raezen, Simon's younger cousin and Vitto, Simon's inaanak, Charles and Tippy's son.
"No, I'm not. I'm serious, kuya." Tumingin si Claire kay Vitto. "What do you think, Vitto? We will invite Kim Chiu on Mom and Dad's Golden wedding anniversary?."
Tumingin si Vitto. "Kim Chiu? My Crush? My Binondo Girl?" masiglang tanong ni Vitto.
"Tumpak." sagot ni Claire sa sinabi ni Vitto.
Simon sigh. "How can i invite her? Hindi ko nga alam number niya, eh."
"Hey, Kuya TORPE." tawag ni Raezen kay Simon. 'Torpe' ang tawag ni Raezen kay Simon lalo na kung lovelife nito ang pinag-uusapan. "Use your brain, your close with her brother." pagkatapos niya iyon sabihin ay nanonood ulit siya.
"Exactly, you can ask JP. Use your brain kasi, diba Vitto, hindi kasi ginagamit ni Ninong Simon ang brain niya."
"Oh, please...... Here we are again, kukulitin niyo nanaman ako na puntahan siya sa bahay niya." sabi ni Simon. Alam na ni Simon kung saan patungo ang usapan nila.
"Bato ka kasi," mahinang pagkakasabi ni Raezen at Claire.
"W-what?" asar na tanong ni Simon.
"Nothing,,," sabay nanamang pagkakasabi ni Raezen at Claire. Gustong gusto nilang inaasar si Simon lalo na kung si Kim ang topic, dahil ang bilis nitong mapikon.
"Narinig ko iyong sinabi niyong dalawa."
"Nagtanong ka pa kung narinig mo naman pala." nang-aasar na pagkakasabi ni Claire. "By the way may ipapabili ka ba?"
"Bakit, saan ka ba pupunta?"
"Shopping!!" masiglang pagkakasabi ni Claire. "Bibili ako ng isusuot ko sa Saturday,"