Para naman piniga ang puso ni Simon sa nakitang kaanyoan ni Kim. Walang tigil ang pag-tulo ng mga luha nito.
Kung pwede lang sanang hindi na siya umalis ay gagawin niya alang-ala kay Kim. Pero hindi pwede, kailangan siya ngayon ng Lolo niya.
Mahina na ang Lolo ni Simon na nakatira sa U.K. Ang hiling nito ay makasama niya ang mga apo niya sa mga huling araw ng kanyang buhay. Mahal na mahal ni Simon ang Lolo niya kaya hindi niya kayang tanggihan ang hiling nito.
Isa na si Kim sa pinaka-mahalagang babae sa buhay ni Simon, kaya kahit mahirap ay kailangan niyang mamili sa dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Natatakot si Simon sa mga pwedeng mangyari. Kung pinili niya si Kim, mawawala ang Lolo niya at ang mahirap pa ay hindi niya man lang ito nakasama sa mga huling araw nito at kung Lolo niya naman ang pinili niya, pwedeng mawala sa kanya si Kim.
Pero buo na ang desisyon ni Simon, pupunta siya ng U.K. para makasama ang kanyang Lolo. Kahit mahirap kakayanin niya.
"Iuwi mo na ako," mahinang pagkakasabi ni Kim.
"Let's Go," iyon nalang ang nasabi ni Simon.
Pareho na silang lulan ng sasakyan. Pinaandar na ni Simon ang makina ng sasakyan.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kaya naman nang tumunog ang cellphone ni Kim ay halos napa-preno si Simon sa pagkagulat.
Nag-katawanan sila pero mabalis din iyong nawala.
Tinignan ni Kim kung sino ang tumawag.
Si Ate Kam.
"Hello, Ate Kam?" sagot ni Kim sa tawag.
"Hello, Kim. What the hell? Where are you?" pasigaw na sabi ni Ate Kam pero nasa boses nito ang paga-alala.
"Ate, Don't worry. I'm fine."
"Don't worry? Eh, halos mabaliw na kami dito, hindi mo sinabi kay Mr.M kung sino ang kasama mo. Asan ka ba at sino ang kasama mo?" tumaas na ang boses nito.
"Ate, I'm very safe with-----" napatingin si Kim kay Simon na tila nagtatanong kung pwede niyang sabihin ang pangalan nito.
Tumango lang si Simon at saka nag-concentrate sa pagda-drive.
"With?"
"I'm with Simon."
"Simon Atkins?" gulat na pagkakasabi nito.
"Yeah"
"How come?"
"Talk to you later, Ate. Sa bahay nalang tayo mag-usap,"
"Asan ka na ba? Hindi mo pa sinasabi kung nasaan ka."
"Pauwi na kami,"
"Oh Sige. See you later," ibinaba na nito ang phone.
Ibinaba na rin ni Kim ang phone.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ni Kim ay hindi pa rin sila nag-iimikan.
Nasa harap na sila na bahay ni Kim.
Bababa na sana si Simon ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Kim kaya lang inawat siya ni Kim.
"Okay lang. Hindi mo ako kailangan pagbuksan ng pinto. Mamaya may makakita sa atin at ma-issue tayo."
"Okay,"
"May sasabihin ako sayo, bago ako bumaba," seryosong pagkakasabi ni Kim.
Tumingin si Simon kay Kim.