Chapter 6

9.6K 176 3
                                    

Baka maguluhan kayo guys, this is the present time. 9 years na ang nakalipas and 8 years old na yung baby nina Duke and Caes. So enjoy reading!!!!

----------------


Chapter 4: Satos Cordinate Santos

Tulala akong nakatingin sa anak kong naglalaro ng puzzle. Satos was still a good hotel, but I can't help but to think about it being featured in a magazine.

Nabasa ko kagabi ang article, I was impressed. The article revealed about some good qualities of our hotel and also read some comments in the internet and became happy about it, but I know I'm going to be pressured for some big persons want to try our service.

"Mom?" Nagulat nalang ako ng hawakan ako sa kamay ng anak ko. Napataas ang dalawang kilay ko. Hindi ko na napansin na nalapitan na pala ako ni Daze. Masyado na ata ako naaapektuhan sa article na yun. "You fine?" nakita ko ang pag aalala sa mata nya.

"Uhmm... Oo naman Daze" tumango tango ako sa kanya. Tinignyan nya lang ako sa paraang paninitig nya pagdi sya naniniwala saakin. Nagkibitbalikat ako "why?" I asked.

"I know you mom, you're overthinkin' again." Naupo sya sa tabi ko at niyakap ang aking tiyan. "Maybe you should call daddy Zelo so you can share those problems with him" he suggested. I smiled at my son as he cuddle with me.

At the age of 8 he already understood my situation as a business woman even though he doesn't know anything about business. Mukhang nagmana sya sa kanyang amang doctor dahil mahilig itong magbasa tungkol sa mga libro ng human anatomy. Kaunti lang naman kasi ang namana ng anak ko saakin, halos lahat ata kay Duke.

A side of me said 'ayan nanaman Caessandra Isabella Santos, naiisip mo nanaman ang lalaking yun, paano mo naman nasabing ganyan si Duke? Isang gabi lang kayo nagkasama at ilang oras lang tapos nagkakaganyan ka na? Manghuhusga ka talaga kahit kailan.'. I just smiled at my thought. Kiniliti ko ang anak ko, tuwang tuwa naman sya.

"But Mommy Bella wanna talk to baby Daze" I said, he giggled. Hinalik-halikan ko ang kilikili nya dahil ang bango-bango nya naman kasi. Tawa naman sya ng tawa sa pinaggagagawa ko sa kanya.

"Mom... Mommy hahahaha stop... Mo-mommy hahahaha... Hahahaha mom... Stop" aniya. I just smiled, dahil sa anak ko, ramdam ko ang saya at pagkakuntento. Dahil sa kanya, parang buo na ako.

"Hey guys anong ginagawa nyo?" Tanong ng taong kakapasok lang sa pinto. Napatingin ako doon at nakita ang pinakakonsentidor kong Kuya. I smiled at Kuya Arien pero napasimangot ako nang nakita kong may dala nanaman syang mga laruan. Lagi nya nalang talaga iniispoil si Daze pero ang anak nya naman ang dinidisiplina, I sigh.

"Uncle Arien your here!!!" Excited na bumaba sa couch na hinihigaan nya at tumakbo para yumakap Kay Kuya. Mahal na mahal talaga ni Daze ang tito Arien nya lalo na at binibigay nya lahat ng gusto nito.

"Hi little fellow" bati sa kanya ni Kuya, ibinaba nito ang dala at binuhat ang anak ko. "You missed me that much?" Tanong nya na sinagot lang ng tango ni Daze at yumakap ito kay Kuya. Tumawa naman si kuya nang ipinulupot ni Daze ang maliliit nyang kamay sa leeg ng kanyang tiyuhin. Tumingin naman si Kuya saakin "Wala na Lang bang hug or bati?" Tanong nya, I just rolled my eyes at my brother.

"Good thing Uncle, mommy needs someone to talk" sabat naman ng aking anak. 'Yeah right, as if maayos kausap yang uncle mo' sabat ko sa isip ko

"Really?" Sinulyapan ako ni kuya at binalik ang tingin sa anak ko. Kinurot ni kuya ang pisnge ni Daze at hinalikan nya ito. Pinanggigilan naman sya ng anak ko at kinagat ang pisnge ng Uncle nya. "Go to your room buddy, your mom and I will talk. Try those new toys I brought." Sabi pa ni kuya at nginuso ang dala nyang mga laruan.

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now