Chapter 20

6.2K 130 4
                                        

Kakatapos ko lang magbihis ay may kumatok na sa puerta principal, mukhang si Duke nanaman yun. Lagi kasi yun dito eh, umagang-umaga magpupunta dito tas kakain ng agahan bago pumunta sa clinic nya. Hindi nya pa nga pala kinlaro saakin yung pagiging 'boyfriend' nya saakin, tyaka di por que tatay sya ng mga anak ko at may nangyare saamin ay tatanggapin ko na sya bilang boyfriend. Kailangan nya muna mag tanong, hindi yung padalos-dalos sya.

Tuwing tinatanong nya ako kung sino ang ama ng mga anak ko ay iniiba ko yung usapan or hindi ko sya sasagutin, buti nalang at marunong sya makiramdam at hindi na sya nagtatanong ngayon,pero minsan sumasagi sa isipan kong baka alam nya na ang tungkol sa mga anak namin.Inayos ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang pinto.

"Surprise!" Sabi pa nito

Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko, ngumiti sya saakin pero napakurap-kurap ako. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisnge nya pero totoo talaga sya, kinurot ko nga ang sarili ko at masakit naman kaya totoo talaga sya! Tumalon ako at yumakap sa kanya, kasi naman eh nasurprise talaga ako!

Isang buwan at kalahati ko din dyang hindi nakita kaya namiss ko talaga sya. Tumawa-tawa pa sya kaya nung niyakap nya na ako pabalik ay hinampas ko sya. Akala ko kasi hindi na sya magpapakita eh tas ngayon nandito na sya sa harap ko.

Bagong-bago nanaman ang ayos ng buhok nya at ash blue na ang kulay. Bumagay yun sa kulay ng balat nya, mukhang hindi na sya masyado pagod ngayon, blooming yung mukha eh. Ilang babae kaya ang nahulogan ng panty dahil nasalubong sya? Ang gwapo nya talaga ngayon eh.

"Missed me that much?" Tanong nito saakin at ibinaba na ako.

"So much" sabi ko at tumingin sa brown nyang mga mata.

"I missed you too ,Bella" sabi pa nito.

"Pasok ka Haldies" sabi ko at tumingin sa likod nya.

Nandun pala si Duke, nginitian ko sya pero ang sama yata ng tingin nya. Mukhang bad moot yata itong si Duke, ano kaya nangyare sa kanya. Seryosong-seryoso sya habang nakatingin sa pintong pinasukan ni Haldies, binigyan nya lang ako ng sulyap bago tumalikod. Luh! Anyare dun?

"Duke!" Tawag ko sa kanya at sinundan sya pero di nya ako nilingon, hindi nya ba ako narinig? Napakunot ang noo ko, "Baby!" Sabi ko. Yun kasi tawag nya saakin, malay mo nagiinarte lang at gustong nyang tawagin ko sya sa endearment nya. Nilingon nya ako pero walang ngiti ng nagpakita.

"What do you want?" Tanong nito, seryosong seryoso pa ang tono nya sa pagsasalita. Nagtaas ako ng kilay, hindi ko kasi nagustuhan yung pagsusuplado nya, ang aga-aga eh.

"Saan ka pupunta, Duke?" Tanong ko pero nag iwas lang sya ng tingin kaya lumapit ako sa kanya.

"Clinic" tipid na sagot nya saakin. Hinawakan ko kaagad ang kamay nya, mukhang bad trip sya eh, hindi nya naman sinabi ang problema kaya bahala sya.

"Di ka mag aagahan dun?" Tukoy ko sa condo ko pero hindi naman sya sumagot. "Duke, hinihintay ka dun ni Daze" sabi ko pero hindi parin sya tumitingin saakin kaya naiinis na ako. Kanina nya pa ako iniisnob, wag nya naman sana ako idamay sa problema nya. "Duke" tawag ko sa kanya kaya tumingin na sya saakin. Matigas parin ang ekspresyon.

"Tell Daze that I have an emergency" sabi lang nito bago iwinaksi yung kamay ko at pumunta sa elevator. Tinanaw ko lang sya bago magsara ang pinto nung elevator, nagbuntong hininga nalang ako at bumalik sa condo. Baka may toyo lang yun.

Pagpasok ko sa pinto ay nakita ko kaagad si Daze na sinusukat yung isang Ray-ban RB3592, napasampal ako ng noo ko. Walang hiyang Haldies, binilhan nanaman si Daze ng bagong sunglass. Pero cute ngayon ang binili nya kasi bilog yung lente pero mahal parin yun, alam ko yung pangalan kasi nakita ko yun sa cellphone ni Daze, puro glasses naman kasi gallery nun eh.

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now