Chapter 29

4.6K 99 4
                                    

"Bat di mo sinabi saakin na buntis ka na pala?!" Kakagising ko lang, may mga muta pa ang mata ko. Hindi pa naaayos ang buhok ko na itinali ko nalang ng wala nang suklay-suklay. Yung underwear ko ay basa pa dahil sa ginawa namin ni Duke kagabi at higit sa lahat gutom na ako.

"Look Fierra, busy ako" sabi ko sa kanya at bored syang tinignan. Sa daming ganap ng buhay ko ay hindi ko na nga magawa lahat ng mga gawain ko sa Satos, hati na nga kami ni kuya eh. Tyaka, hindi ko naman sinabihan lahat ng mga nakakaalam. Si Duke naman kasi yung nagsabi kay Zelo na buntis ako tas si Zelo, sinabi kay Haldies. Feeling ko si Haldies ang nagsabi kay Fierra, di naman kasi sila Close ni Duke at Zelo.

"So keylan mo sasabihin saakin na buntis ka? Kapag mukha ka nang nakalunok ng pakwan?" Tanong nya saakin. Nakapameywang pa syang nakatayo sa harap ko habang nakaupo ako sa kama ko.

"You can say that" sabi ko kaya napahinga sya ng malalim. I looked down to the floor at inalala lahat ng nangyayare sa buhay ko. "Plano kong namang sabihin pero sa dami nang nangyayare sa buhay ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong free time dahil nagreresearch ako about sa kaso ni Satos at malapit na ang first trial nang kaso. Isa pa ay hindi naman ako makalabas dahil sa mga media, nakita mo naman siguro na yung iba ay konti nalang magcacamping na dyan sa labas para makiusyoso sa buhay namin. Tapos, si Daze ay kailangan ko pa isipin lalo na at nafufrustrate na sya dahil hindi nya maintindihan kung ano ang nangyare saamin ni Zelo. Tas si Duke, he's very paranoid dahil sensitibo ang pagbubuntis ko to the point na pati sa pagbabanyo ko ay kasama ko sya para hindi ako madulas." Sabi ko sa kanya.

Agad akong kumuha ng hangin dahil hindi ako masyado makahinga sa dami ng sinabi ko. I bluntly told her everything at oo kahit na apat na bagay lang yun ay masyadong nakakagulo ng buhay. Lalo na at nabuntis pa ako ngayon kung keylan ang dami kong pinoproblema.

"So, sino ama ng bata?" Tanong nya kaya umiling ako. There's no other option than Duke, sya lang naman ang mahilig magtanim ng bata sa sinapupunan ko.

"Duke" sabi ko pero ramdam kong tahimik sya kaya tumayo na ako pero nagulat ako nang hawakannya ang kamay ko at sinipat nyang mabuti.

I looked at my hand too and I saw her curious eyes in the ring that Duke gave me as an engagement ring. Isa nga pala yung silver na infinity ring with small topaz stones and a quite bigger opal stone in the middle. I like the ring, but well, I like everything that Duke gave.

"Wow" she looked at me so I looked at her too. "He's really serious with you now Caes, it's the Clent heirloom ring that was lost for 2 generations." Sabi nya kaya nakunot ang noo ko.

Paano nya naman yun nalaman? Ako nga di ko alam na heirloom ring tong suot ko eh. I'm curious now, why is the ring lost for two generations? Which generation did she just mean?

"What do you mean Fierra?" Tanong ko sa kanya. Kaya kumunot ang noo nya, ano? Pati sya naguluhan?

"Caes, the ring was a symbol of never ending love and healing and you're a hell of a lucky girl to have it!" Patang excited pa sya. Akala ko ba galit sya saakin dahil hindi ko sinabi sa kanyang buntis ako? Nakita nya lang yung heirloom ring ay nagbago ang mood nya.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko at kinuha yung kamay ko sa kanya. She seems so dreamy, and I think, it's the ring's fault aye?

"I've done my research with Duke's background" sabi nya saakin pero yung mukha nya, ang dreamy parin ng expression.

Umiling nalang ako, kahit kasi tumanda na si Fierra ng ilang taon at naging lawyear na ay hindi parin natatanggal yung pagiging teenager sa kanya. Kahit nung college, ang dami nyang crush sa school namin.

"Oh Fierra, you're restricting our privacy" I said and turned my back on her para magpunta sa walk in closet ko.

"What?! No! Grabe ka naman. Nagsearch lang ako para tulungan si Kuya about sa kaso ni Satos. Pero gusto mo ba malaman ang sekreto kung bakit nawala yang sing-sing ng dalawang henerasyon?" Tanong nya kaya lalo lang ako na curious.

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now