Chapter 21

6.1K 126 3
                                    

It has been 3 consecutive weeks since pinayagan ko si Duke na maging boyfriend ko. Hindi man sya nanligaw ay wala na akong magagawa, baka magkatoyo nanaman. Mahirap lambingin yun eh, kailangan pa patigasin bago lumambot. Maayos ang lahat this weeks at panatag ako dahil si kuya Arien na ang bahala doon sa Satos. Chinecheck ko yung mga emails na pinapadala nya saakin, the reports, increase of sales at higit sa lahat ay ang perang nakalaan para sa ipapatayong Satos dito sa Pilipinas.

I already bought a land, documents nalang ang kulang. Brgy., City, provincial permits, building permits and so on and so forth. Marami pa akong inaasikaso, good thing ay natulungan ako ni Fierra sa mga gawain ko. Haldies is also helping me with the adoption case of my son. Duke became my stress reliever in those rough days, he makes me forget my problems temporarily. Daze also helps me over come it all, he is my strength. I'm blessed for I have these persons to support me.

"Caes, I'll just go to the clinic. I'm going to text you so keep your battery full" sabi ni Duke at hinalikan ako sa noo bago pumasok sa elevator.

"Ingat ka" sabi ko sa kanya at nagsarado na ang elevator.

Tumalikod na ako kaagad at bumalik sa condo ko. Kakatapos lang namin kumain ni Duke at Daze, kailangan nanaman ni Duke magtrabaho. Haldies will bring Daze with him mamaya because mamamasyal sila and ako lang maiiwan dito magisa, kailangan ko magreview ng mga documents at may mga files na kailangan kong itype para kay Kuya. If I have a little time ay matutulog muna ako pero balik sa work agad after nun.

Lumapit na agad ako sa lababo para maghugas ng pinggan. Wala naman akong choice dahil kami lang ni Daze ang nandito sa bahay. Pero habang ginagawa ko yun ay lumilipad nanaman yung isip ko sa kung paano ko sasabihin kay Daze na hindi si Zelo ang ama nya.

Tahimik lang si Duke kasi nirerespeto nya yung desisyon kong wag na madaliin si Daze lalo na at ang bata nya pa. Pweding magalit ito kaya minabuti ni Duke na maghintay muna lalo na at masyado pang malabo ang nangyayare saamin ni Zelo. May mga bagay din akong kailangan isipin lalo na ang mga investors na naginvest sa hotel dahil kay Zelo. Hindi ko pa alam kung magpapatuloy sila sa pag invest or ititigil na nila.

Sumagi din sa isip ko si Tita Z, mom ni Zelo. Excited na excited pa naman syang magkatuluyan na kami ng anak nya. Hindi ko alam kung magagalit ba sya saakin or hindi lalo na at ako lang naman ang babaeng hindi nya kinalaban sa lahat ng mga naging girlfriend ni Zelo. I admit, I like her as my mother in law pero hindi naman sya ang papakasalan ko kaya dapat ay maging maayos lang lahat, hindi naman kasi lahat ng bagay naayon sa gusto natin.

Hindi ko namalayang tapos ko na pala yung mga hugasin kaya naupo muna ako sa sofa at nanuod ng TV. Saktong koreanovela nanaman ang lumalabas at kumakain ang dalawang bida sa isang sea food restaurant. Ang sweet nila ayon sa nakikita ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, buti nalang ay may subtitle.

"Saranghae" sabi nung lalaki sa babae.

"Saranghae" sabi din nung lalaki.

Naalala ko tuloy yung nangyare nung isang linggo, nung kumain kami ni Duke sa seafood restaurant. Selos daw sya kay Haldies, akalain nyo naman diba? Sya? Nagselos sya kay Haldies! Nagselos! Ibig sabihin, mahal nya na talaga ako.

"Mom" tawag saakin ni Daze kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo sya sa gilid ko may hawak na malaking adult brief. "What's this mom?" Tanong nito. Bumalik lang ako sa panonood ng tv.

"Obviously Daze, it's a brief" sabi ko at natigilan ako, adult brief? Keylan pa nagka adult brief ang condo namin? Napatingin ulit ako kay Daze. "Kanino yan? Saan mo nakuha? Bat nasayo yan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napakamot sya ng ulo at itinuro ang banyo.

"I saw it in the comfort room, Mom." Ibinaba nya na ang kamay na nakaturo sa banyo." It's wet and big, it's absolutely not mine" sabi nito saakin at parang sinusuri pa yung underwear. A memory then crossed my mind.

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now