PROLOGUE

41.1K 301 10
                                        

Prologue

Sa pag pasok ko sa Bar ay nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak. May nagsasayaw, may umiinom, may naghahalikan, may naguusap. Maingay, mausok at mapusok ang paligid.

Lumapit ako sa Bar tender naming si Loise. Ngumiti sya saakin at nagpatuloy sa ginagawa. Umupo ako sa isang stall at nilabas ang tablet ko.

Trabaho kong ihandle ang Allyrie's. Trabaho ko din ang icheck ang mga stocks lalo na ang mga alak na inoorder pa sa ibang bansa pati na ang mga sangkap ng mga menu namin sa Resto, lalo na at kaunti lang ang crew dito sa Allyrie's at tatlo lang ang security guard at dalawang bouncer.

"Loise" lumapit naman saakin si Loise habang nagmimix.

"Ma'am Caes"

"Ano ang mga kailangan dito?" Ibinuhos nya ang minimix nya sa isang baso at ibinigay sa isang babae.

"Martini please?" Mabilis na inabot ni Loise yung martini at shot glass.

"So far maayos pa naman po ang stock natin," nilagyan nya ng martini ang shot glass. "Kasya pa sya ng isang bwan ma'am", binigay nya ang alak sa isang babaeng may pulang lipstick. "Hindi tayo masyado dinadayo tulad nung summer kasi yung mga kabataan may klase" napatango ako. Dumating naman si Edena, nginitian nya ako at ganun din ako sa kanya.

"One bottle of brandy and four glasses" kumuha naman agad ng brandy si Loise. "Miss Caes, magandang gabi po", matamis na ngiti ang binigay nya saakin.

"Kamusta ang mga VIP?" Ngumiti lang sya at nginuso ang dib-dib nya, ibigsabihin maraming tip ang nakuha nya. Napahalak-hak ako at tumayo na sa kinauupuan.

Nagsimula na akong umakyat sa second floor kung saan ang mga VIPs. Nakita kong mukhang maayos naman ang lahat. May mga nagmamake out, napailing nalang ako, nasanay na din ako na palaging nakakakita ng mga babae't lalaking naghahalikan. Nagpatuloy ako sa paglalakad-lakad.

Nagulat ako nang biglang nakarinig ako nang may nabasag, nanlaki ang mata ko at naglakad papunta sa kung saan nanggaling yun at nakita ko ang baguhang si Stella na nakayuko at akmang pupulutin ang basong nabasag, at isang lalaking nakatayo na mukhang galit. Nilapitan ko kaagad si Stella at inilingan.

'She deserve it, ang tanga nya.'

'Sabing rum ang dalhin, whisky ang dinala'

'She's stupid'

"Bobo ka ba?! Sabi ko rum! Hindi whisky!" Galit na singhal ng lalaki. Hinawakan ko naman sa balikat si Stella at hinagod ang likod nya.

"Kumuha ka nalang ng panlinis at linisin natin tong kalat" bulong ko kay Stella. Hinawi ko ang buhok nya "Ayusin mo muna ang sarili mo" sabi ko at hinarap ang lalaking nagtapon ng baso sa sahig.

Hinagod ko sya ng tingin, mula buhok hanggang sapatos. He looks like a middle aged man.I managed to smile at the guy, I hate this kind of people. I took out my phone and open the voice recorder.

"Sir what happend here?" Tanong ko sa lalaking hindi tinantanan ng titig si Stella hanggang sa mawala sa paningin nya. I hit the record botton.

"Are you her manager?" Medyo mahinahon na tanong nya.

"Yes sir"

"She is stupid" tumango ako. "You should fire her, she's not effective" aniya at naupo sa Sofa.

"Sir did you throw the glass on my employee?"

"Yes, she deserve it" tumango ako.

"Excuse me sir, I'll just get someone to clean this mess" sabi ko at naglakad papunta sa gilid at pinatay ang recorder. Tinawagan ko agad ang mga pulis, I don't tolerate harassment in my work place.

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now