Chapter 5

9.8K 176 1
                                    

Chapter 5: The Escape

Nagising akong wala sa sarili, hindi ko parin matanggap. Iisang gabi lang, hindi ko akalaing bigla nga akong bibigyan ng reward. Akalain mo? Hindi pa ako nakakapag-asawa may anak na agad ako?

Hinimas ko ang puson ko, tama si Nurse Jingky. Masyado pa akong bata para maging ina, pero anong magagawa ko? Ito na yun eh! Buntis na ako, alangan naman patayin ko tong magiging anak ko. Bukod sa dugo't laman ko ito, alam kong mali na patayin ko ang buhay na nabuo dahil sa kasalanan namin ni Duke.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at niluwa nito si Kuya Arien. Nakabusangot nanaman ang mukha nya at may mga hair clip na nakalagay sa buhok nya, mukhang napagtripan ni Ate Sarie. I suddenly wonder, sana tulad ni ate Sarie nagkaroon din ako ng tulad ni kuya. Yung tipong kaya maghintay.

Nang tuluyan na syang lumapit sa kama ko ay may narinig kaming parang crack. Nang mapadpad ang paningin ko sa paanan ni kuya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako sa nakita ko, tumaas ang paningin ko sa reaksyon ni kuya. Mukhang nagtataka sya, bumigat ang paghinga ko nang pulutin nya ang pregnancy test na naapakan nya. Sinuri nya yun at lalo akong kinabahan nang tumingin sya saakin ng puno ng pagtataka.

"Kanino toh?" Tanong nya. Tumayo ako sa kama at kinuha sa kanya ang pregnancy test kit. Itinago ko yun sa drawer ko.

"Wala yun kuya" sagot ko at tinalikuran sya. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Caes, buntis ka?" Napahinga ako ng malakas dahil sa tanong nya. Rinig ko ang papalapit nyang yapak, kaya mas lalo humigpit ang hawak ko sa kumot.

"Hindi"

"Caes, tell me the truth" Naramdaman ko ang paghimas nya sa likod ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si kuya pero natatakot ako, nakakahiya ako! Unti-unti na akong napahikbi.

"Just leave kuya!" I shouted.

"Caes..." Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero siguro ganito talaga lalo na kapag buntis.

Umupo ako sa kama at tinanggal ang pagkakatakip ng kumot. I saw the worried eyes of kuya Arien. Hinilamos ko ang palad ko sa basa kong mukha.

"I'm pregnant, I don't know what to do. Isaakong eskandalosa, napakawalang hiya ko" sabi ko at hinagkan ang mga tuhod ko tyaka humagolgul.

"Oh fvck!" Sabi ni kuya at naramdaman ko ang pag galaw ng kama. "Sino ang tarantadong bumuntis sayo?" Marahan ang pagkakasabi ni kuya pero alam kong pinipigilan nya lang ang galit nya.

"I'm sorry kuya" yun lang ang nasabi ko.

<+>

Therest of the day was chaotic, wala akong gana at hindi ako lumabas ng kwarto. Tulala lang akong nakatingala sa bintana naghihintay ng taong papasok sa kwarto ko. Hindi naman sa tinatanggalan ko ng karapatan si Duke sa anak namin pero alam kong masisira ko lang ang buhay nya kapag sinabi kong may anak kami. After all, it's only a one night stand.

My phone beeped many times, ni isa sa mga tumawag saakin ay hindi ko sinagot. Since my talk to kuya Arien, I didn't entertain anyone the rest of the day. I've been thinking what to do, good thing is hindi sinabi ni kuya kina mommy tungkol sa pagbubuntis ko.

Narinig ko na may pumihit ng doorknob at ang pagpasok ng tao sa kwarto ko, I looked at who and it was still kuya Arien. He was holding an envelope, a ticket I bet. I heard his long sigh and his heavy footsteps towards me. I've agreed to his suggestion

(Flash back)

Hinawakan ni kuya ang kamay ko at pinisil nya yun kaya napatingin ako sa kanya. He gave me a warm smile and he blew my fingers. He sat beside me and wiped my tears away.

"Shhh... Caes, be strong. You're already a mother, be strong not for you but for your kiddo. I'll be there for you, I promice." He said that made me a little comfortable. I tried to smile.

"I'm still young kuya, what if I can't handle being a mother?" I asked him.

"We will escape" he said.

(end)

At first I was hessitant pero para din naman yun sa anak ko at sa akin. Magiging daan din yun para ilayo ako sa pamilya ko at maitago namin tungkol sa eskandalong maari kong mabigay sa pamilya ko.

"Mag impake ka na, tomorrow will be our flight to LA. Wish us the best Caes"

<+>

Tinignan ko ang mga bagaheng nasa gilid ng kwarto. At exactly 2:30 AM, ang flight namin para hindi kami mapansin nina mama. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko, nakatunganga. I sigh, ang bigat ng loob kong iiwan sila mama. Ang bigat ng loob kong hindi ko man lang pinaalam kay Duke na may anak kami.

Bakit? Bakit ako nagkakaganito? Ano ba ang matutulong kung sasabihin ko kay Duke? Wala naman diba? Magiging pabigat lang kami sa kanya. Masyado pa kaming bata. College palang or maybe he was in his masterals pero wala parin kaming stable na mga trabaho. Hindi ko kakayaning bumuhay ng bata sa paggiging manager lang ng bar at resto.

"psst! Caes" napatingin ako kay kuyang nakaporma na. Mukhang handang-handa na sya umalis, medyo nananakit and dib-dib ko.

Sinuot ko ang cardigan ko at hinawakan ang luggage ko, the rest si kuya na ang bahala. Dahil nasa second floor ang kwarto ko ay maingat kong hinawakan ang luggage at unti-unting binaba para hindi mahulog.

I felt the urge to go back at hindi ituloy ang plano pero, para din naman toh sa anak ko at saakin. Hindi na ako lumingon pa nang nakalabas na ako sa bahay. Nakita kong nasa kabilang kanto nakapara ang kotse ni kuya kaya agad akong lumapit dun.

Binuksan ko ang pinto at itinabi ang luggage ko sa likod. Mabilis ang tibok ng puso ko lalo na nang pumasok na si kuya sa driver's seat at nag maneho.

Tahimik ang boong byahe patungo sa airport, walang ni isang naglakas koob na mag salita sa aming dalawa ni kuya. Napatingala nalang ako sa mga bituin at sa mga nagdadaang eroplano.

Darating ang araw, babalik ako pero sana maging handa ako sa pagbabalik ko. Alam ko, I deserve nothing from you all. Pero sana sa pagbabalik ko tanggapin nyo ang magiging anak ko.

Sana sa pagbalik ko

Hindi na kita makilala Duke

Sana sa pagbalik ko, hindi na tayo magkita ulit

Sana...

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now