Chapter 12

6.8K 149 5
                                    

Nagawi ang tingin saakin ni Duke pero umiwas nalang ako. Hindi ko pa yata sya kayang makita. He looks so bold with his suit, may mga pagbabago din sa kanya. Hindi natanggal ang tingin nya saakin kaya nagtago ako sa gilid ni kuya.

Kinakabahan ako at pumipintig na ng malakas ang puso ko. Mabuti nalang ay nagsalita na ang speaker sa taas ng entablado. Hindi pamilyar ang pigura ng lalaki saakin pero parang bakla naman itong speaker.

"Good evening Ladies and gentle men. Welcome to the bithday party of a very beautiful lady of the night. We are here to celebrate another additional one year of her life. Let us stand and give way to the princess of the night, our very own, Stacy Hugesin" sabi nito at namatay ang lahat ng ilaw pero naikan ang iisang ilaw na nakatuon sa pinto. Tumugtog ang musika at duon si Stacy with her white lacy dress.

Napatingin ulit ako kay Duke pero nakatuon ang mata nya saakin. Nakakunot pa ang noo nya, ngayon? I'm doomed! Naglakad sya at ubti-unting lumapit kaya mas lalo akong natakot. Itinago ko din si Daze sa ni kuya at tumalikod sa gawi ni Duke.

"Caes, are you alright?" Kuya asked, mukhang napansin nya na ang pagkanerbyos ko.

"K-kuya si Duke" sabi ko at humawak sa kamay nya, nanginginig ang mga tuhod ko kaya inalalayan ako ni kuya. Nakakunot noo nyang nilibot ang tingin sa buong venue at tumigil din ang mata sa pigura ng isang lalaking limang metro ang layo saamin.

"It'll be fine Caes, I'm here" sabi ni kuya at inabot saakin ang isang basong tubig.

Uminom ako dun para kumalma pero natatakot ako kaya muntik ko na maihulog ang baso, buti nalang ay hawak din ni kuya ang kamay ko kaya hindi tuluyang nahulog ang baso. Parang naging jelly ang buo kong katawan dahil kung hindi ako inaalalayan ni kuya ay baka matumba ako.

"H-hindi ko pa sya kayang makita" sabi ko at tumingin muli kay Duke. He is holding a wine glass at nakikipagusap na ngayon sa isang matanda at nahuhuli ko syang sumusulyap sa posisyon ko kaya itinago ko si Daze sa likod ko.

"Want me to take you home?" Agad akong umiling. Alam kong kailangan nyang magstay sa party dahil nagt-trabaho sya sa mga Hugesin.

"No, I'll just avoid my self from looking at him." Sabi ko at tinignan si Daze na naglalaro sa cellphone. I looked at my bag and found a face mask. "Daze" tawag ko dito kaya napatingin sya saakin, I hand him the face mask at sinuot nya naman yun.

Now, I feel better kasi hindi na makikita ni Duke ang mukha ni Daze. Ako naman ay umayos na ng tayo, baka pagpilitan ni kuyang umuwi nalang kami pero ayaw kong mangyare yun kaya kailangan ay magpanggap muna akong hindi ako naapektuhan ni Duke.

<+>

Pagkatapos ng maraming speech para kay Stacy ay naglilibot na sya ngayon para bumati sa mga bisita nya. Ako ay naupo nalang muna sa table nababalisa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin dahil kanina pa hindi nahihiwalay ang titig ni Duke saakin.

Hindi na sya nagsawa diba? Obvious na obvious sya kung tumingin at hindi talaga sya lumilingon sa kausap nya, saakin lang nakatingin ang mata nya at nahihiya ako kasi parang nakamata sya sa lahat ng gagawin ko.

"Caes" tawag ni kuya saakin kaya tumingin ako sa kanya. "Tara na sa buffet table, kailangan na kumain nyang si Daze" sabi nya at nginuso si Daze.

"K-kuhanan mo nalang ako ng pagkain kuya, isamamo nalang tong si Daze" sabi ko at sinipat si Duke na nakatingin parin saakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Okey, C'mon here Daze" pang aya nya kay Daze papunta sa buffet table.

Nang nakaalis na sila ay nagulat ako nang nasa gilid ko na si Stacy. She was smiling at the other person in our table pero nawala ang ngiti nya nang tumingin saakin.

"Happy birthday Stacy Hugesin" bati ko sa kanya. Her lips formed a curve.

"Thank you Caessandra Isabella Santos and by the way, See you on my wedding with Mr Mendez" sabi nya at umalis.

I was puzzled, wedding? Ibig sabihin naka move on na sya kay kuya? She's going to marry someone else! Sino naman yun? Mr Mendez? Relative ni Zelo?

Maya-maya ay bumalik na si kuya na may dalang pagkain. Si Daze ay umupo sa gilid ko, ganun din sa kabila si kuya. Seryoso silang kumain habang ako ay naguguluhan kung ano ang sinasabi ni Stacy.

"Kuya" tawag ko kay kuya. Tumingin naman sya saakin habang sinusubo yung isang kutsarang kanin. "Is Stacy engaged?" Tanong ko kay Kuya. Napakunot noo si kuya nang marinig nya yun at umiling habang nginunguya ang kinakain nya. Uminom naman sya ng tubig agad.

"She's single" sabi ni kuya kaya kumunot ang noo ko. Sino naman ang papakasalan ng baliw na babaeng yun? Nagiimagine nanaman siguro yun na may papakasalan syang Mendez pero seryoso ba? Mendez? Papatol sa kanya?

"Then who is Mr Mendez?" Tanong ko kay kuya pero nagbago bigla ang ekspresyon nya.

"Wag na natin pagusapan ang buhay pagibig ni Stacy, kumain ka na" sabi ni kuya at patuloy na kumain. Eh! Mas lalo lang ako naguluhan.

<+>

Pagkatapos ko kumain ay umupo kami dahil ang dami pang nangyare sa birthday ni Stacy. Medyo malalim na din ang gabi at ang iba ay medyo lasing na. Kami ni kuya ay hindi na uminom, baka gayahin kami ni Daze.

Saktong patapos na ang party ay umuwi na si Duke, hindi ko na kasi sya nakita. I feel better now at medyo nageenjoy na akong tumingin tingin sa mga palamuti sa lugar. Si Daze ay natutulog na habang karga-karga ni kuya.

Nagulat nalang ako nang tumawag si Zelo saakin kaya pumunta ako sa cr.

[Bella]

"Hey Zelo, how are you?"

[I'm f-]

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Zelo dahil bigla kong nahulog ang cellphone ko nang may nagtakip ng ilong ko. I tried to escape pero unti unti na nanghihina at  nanlalabo ang mata ko. I saw my phone on the floor before everything turned black.


Help

One Night of unbearable lustWhere stories live. Discover now