"Ang Kampilan ni Bathala"
Isinulat ni MJMagno
* Panimulang Pagbati *
Hi po, ito ang kauna-unahan kong aklat na gagawin dito sa wattpad na may kinalaman sa Fantasy/Adventure. Tungkol ito sa lahing Pilipino na naglalaman ng kasaysayan, mitolohiya o alamat, salamangka, hiwaga at pakikipagsapalaran. Ayos ba? Kaya halina't palawakin ang isip at simulan ng basahin. Sana po ay magustuhan niyo ang kauna-unahan kong akda.
* Ang Kampilan *
May isang tabak (espada) na nagtataglay ng di masukat na kapangyarihan. Iba ito sa mga pangkaraniwang sandata na likha ng mga tao sapagkat ito ay nauna pa sa lahat ng sandata. Hinulma at hinubog ito ng Bathalang Maykapal na magsisilbing gabay sa sangkatauhan.
Ang may nag-aalab na puso at katapangan lamang ang maaaring makatangan nito. Nasubukan na noon ang talim at talas nito na pumunit at pumugnaw sa karimlang nais balutin ang Santinakpan. Ngunit ngayon na mayroong mas matinding panganib na maaaring makawasak ng liwanag di lamang ng Santinakpan pati ang mga dimensiyon sa Sanlibutan. Mayroon kayang nilalang na nagtataglay ng nag-aalab na puso at katapangang walang humpay upang kanyang mahawakan ang magiting na "Kampilan ni Bathala"?
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
AdventureSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...