Ikalabing-isang Kabanata: Ang Pithaya ng Lakan

152 6 0
                                    

* Paumanhin po sa inyo kung natagalan ang pag-update ko nito. Medyo naging busy po kasi ako nitong mga nakaraang linggo. Sana subaybayan niyo pa rin ang aking akda. Salamat ng marami. *

------------------------------------------------------------------------------------

Nagulat sila sa ginawa ng Lakan. Kaya napalunok na lamang sila ng makita ang galit na mukha nito kanina.

Makailang segundo ay naglakas loob na rin silang magtanong...

Ano po ang balatungan? Nahihiwagaang tanong nila Juanito at Dante.

"Ehem! Ehem!"  si Ingkong Dunong na tinatanggal ang nakabara sa lalamunan.

Uminom muna ito ng lambanog at nagwika ng  "Inyong mababatid sa takdang panahon".

"Palagi na lang po ganyan ang sinasabi niyo. Paano kung ngayon na ang takdang panahon?" di na mapakali itong si Juanito na maraming nais malaman. Nagwika pa ito ng "Marami pa kaming gustong malaman kagaya ng tungkol doon sa puno ng Balete pati yung lagusan at saka itong Kampilan na ito. Marami pa po kayong di naipapaliwanag".

Humigop lang ulit ng lambanog si Ingkong Dunong na para bang sabaw lang ito. Di ito umimik at tumahimik lamang.

"Mawalang galang na po sa inyo, kung ano man ang hinihiling niyo po sa amin. Patawad po di namin kayo mapagbibigyan. Di kasi kami magtatagal dito" sambit ni Dante na seryoso ang mukha.

Tumingin si Dante kay Juanito at napansing may bakas sa mukha nito na ayaw pa nitong umalis sa bayan ng Seludong. Kapansin-pansin din sa mga mata nito na marami pang katanungan na nais siyang malaman.

 Tumayo na ang Lakan na naglakad-lakad at nagpaikot-ikot sa silid na iyon na may iniisip.

"Sumunod kayo sa akin at may ipapakita ako sa inyo mga panauhin" wika ng Lakan na nag-iba ang mukha na naging maamo ulit.

Sumunod na lamang sila dahil nais rin nilang malaman kung ano ang ipapakita ng Lakan. Nagtungo sila sa mas malaking silid na kung saan makikita ang upuan ng magiting na Lakan na gawa sa tabla na makapal at may mga bahaging may palamuting perlas at ginto na nakasukbit. Naroon din ang iba't-ibang sandata na maaaring nanggaling pa sa ibang lupalop ng kapuluan. Naging libangan na rin ng Lakan ang mangolekta ng mga sandata na kapansin-pansin na inaalagan niya maigi ang mga ito dahil kitang-kita ang kinang at talas ng mga ito na masasabing madalas hasain. Naroon din ang ibang mga mandirigma na nakabantay sa pintuan na malaki na may nakaukit sa mga kahoy nitong kawayan na nasa ibang pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na "Baybayin".

"Pareng totoy, madalas kong makita ang mga sulat na ito sa tatu nila tapos dito pero di ko maintindihan. Alibata yan diba?" mausisang tanong ni Dante.

"Yan ang mali ng karamihan. Ang tamang tawag dyan pare "Baybayin". Ang Alibata ay nanggaling lamang sa isang tao nakalimutan ko name eh. Pero sa pagkakaalam ko para kasing hango yung term na yun sa alif-ba-ta mula sa Arabic ewan ko kung bakit. Basta pare yan ang sinaunang paraan ng pagsulat na kung ano ang bigkas siya ang baybay" masiglang paliwanag ni Juanito.

"Hanep sa paliwanag. Pero maganda ah. Pa tatu nga rin ako niyan dito sa braso ko. Ipalagay ko mahal kita Banny! Ayos ba?" tatawa-tawa itong si Dante.

"Baduy mo. Patatu ka sa pigi" napahalakhak itong si Juanito.

Napaakbay sa kanila ang Lakan at nagwika ng "Mga panauhin maaari bang makisalo sa inyong usapan? Sa tanaw ko ay pansin ang kasiyahan sa inyong talakayan".

"Ah ehh! wala po ito. Nais lang po namin malaman kung anong mayroon sa likod ng pintuang iyan?" tugon ni Juanito.

"Kung gayon nais ninyong malaman ang nasa loob. Mabigla at manggilalas sa inyong masasaksihan" at sinimulan na ngang buksan ni Lakan Sula ang pintuan.

Kampilan ni BathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon