***Babala: Ang mga susunod na eksena ay di angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ang kinakailangan***
Walang laban ang malamig na hangin na nagmumula sa ilog Kagayan sa init na kanilang nadarama. Di na nila napansin ang napakagandang Ilog Kagayan na naliliwanagan ng buwan.
Ang bawat tulos nitong si Mike sa kababaihan nitong si Arianne ay kakaibang sensasyon at ligaya ang hatid. Ang ungol nitong si Arianne ay nagpapaingay sa katahimikang nakakabingi sa madaling-araw na iyon. Kahit sa kadiliman ng paligid at ang tanging liwanag ay ang buwan at ang dala nilang flashlight na nahulog na sa damuhan ay di makakapigil sa kanilang romansa. Pabilis ng pabilis ang bawat galaw nitong si Mike na lalong nagbibigay kiliti kay Arianne, sapagkat yun talaga ang gusto niya. Alam na alam talaga ni Mike ang gusto nitong si Arianne, ang mabilis at tuloy-tuloy na parang wala ng bukas. Makalipas ang mahabang sandali ay narating din sa wakas ang rurok ng ligaya, parang bulkang sumabog sa lupang kulang ng dilig. Ang tamis ng ligayang inaasam ay nakamtan sa madaling araw na iyon.
Ngunit di nila batid ang nagbabadyang panganib na hatid ng nilalang na kanina pa nagmamasid sa kanila. Panganib na maaaring makapagpahiwalay sa kanila at di na muling magkita pa.
Nang matapos na't nagbibihis ay may naramdaman silang malagkit na tingin sa kalayuan at ito'y nakakapangilabot. Nakakapagpatayo ng balahibo na animo'y matalas at matatalim ang mga tingin na iyon.
"Sino ang nandyan? Magpakita ka!" sigaw nitong si Mike kahit may takot na nararamdaman.
Ngunit walang sumasagot. Lumakas lamang ang ihip ng hangin na nagpapagalaw sa mga puno at mga halaman na naroon. Pati ang kanilang mga balahibo ay napapagalaw at nag-sisitayuan sa kilabot na nararamdaman.
Agad naman silang nagbihis at nagmadaling umalis sa lugar na iyon. Bumilis ang kanilang paglakad, animo'y tumatakbo kasabay ng mabilis na tibok ng kanilang mga puso. Sa bawat paghakbang nila ay nadarama nila na tila ba may sumusunod sa kanila, isang nilalang na di pa nakikita ngunit nadarama nila. Isang mapaglarong nilalang ng bilis at lakas.
Humakbang pa sila ng humakbang, ngunit kahit gaano na kalayo ang kanilang nalalakad ay di pa rin sila nakakalayo sa kanilang pinagmulan. Parang may pumipigil sa kanila at pabalik-balik lamang sa lugar na iyon. Lalo na silang kinilabutan sa pangyayaring iyon, ngayon batid na nila kung ano ang nilalang na iyon. Ang mapaglarong Tikbalang!!.
Ang tikbalang ay sinasabi nilang halating tao at kalahating kabayo na nilalang. Ang ulo at mga paa nito ay mistulang anyong kabayo, ang katawan at mga kamay naman nito ay kahalintulad ng sa tao. Matangkad din itong nilalang na ito na higit sa tangkad ng pangkaraniwang tao. Mapaglaro itong nilalang na ito lalo na't may napadpad sa kanyang teritoryo, o kaya naman ay may nagustuhan siya na tao. Ang kanyang paboritong gawin ay ang hindi paalisin ang minalas na nilalang sa kinaroronan at pabalik-balikin lamang ito sa lugar na iyon hanggang sa magsawa ang tikbalang o kaya naman ay nakuha na niya ang puso ng nagustuhang tao. Ngunit may paraan para mapawalang-bisa ang salamangka nito, ito ay sa pamamagitan ng...
"Hon, baliktarin natin ang damit natin" sabi ni Mike na kinakabahan.
Nang baliktarin nila ang kanilang damit ay nanlaki ang mga mata nila sa kung ano ang tumambad sa kanilang harapan. Isang matangkad nga na tikbalang!!! Kakaiba ang isang ito na mapula ang mga mata at nanlilisik.
Sa takot nila ay tumalilis silang tumakbo palayo, ngunit bumuwelo itong tikbalang at sa sobrang bilis ay agad nitong nalampasan sila at tumayo sa kanilang harapan. Ang anyo nito ay galit na galit sa di malaman na kadahilanan. Maaaring dahil sa nabigo ang salamangka nito sa kanila. Nakatingin ito kay Arianne at tila ba natigilan, iniangat nito ang kamay at tila ba niyayakag si Arianne na sumama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
AventureSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...