Unang Kabanata: Ordinaryo

345 10 5
                                    

*Sa makabagong panahon*

"O aking diwata" tunog ng alarm ng cellphone ni Juanito. "Aking diwata, ikaw ang pinakamaganda" nagpapahiwatig na dapat na siyang gumising at bumangon. Mabigat pa ang katawan na tila bang nais pang matulog ngunit sa sandaling iyon ay kailangan na niyang bumangon.

Inunat ang kanyang mga kamay at paa saka humikab kasabay ang tilaok ng mga manok. Panibagong umaga na naman sa pangkaraniwang buhay ni Juanito.

Juanito Dimasupil, 27 taong gulang (medyo matanda na?) na isang ordinaryong mamamayan ng Sitio Katapangan. IT Staff nga pala ang trabaho niya sa isang di gaanong kilalang kumpanya. Ano pa nga ba?...bukod sa nakatira pa rin siya sa kanyang mga magulang kahit malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang edad ay wala rin siyang kasintahan sa ngayon (anak ng..).

Anong hilig niya? syempre maglaro ng games sa computer, magdownload ng movies sa internet (bawal?), ngunit di matatawaran ang pagkahilig niya sa pagbabasa ng kasaysayan ng Pilipinas. Nais niya talagang maging dalubhasa sa kasaysayan (historian) ngunit sa panahong ito mas in-demand ang Information Technology at dahil na rin sa udyok ng kanyang mga magulang ay ito na ang napili niyang kurso nung college. Ano nga naman ang magandang kinabukasan na makukuha niya sa pagiging historian at isa pa ang sabi nila ay boring daw ito. Sa katagalan ay nagustuhan niya na rin ang kursong Information Technology. Kahit di magaling ay nakakasabay naman siya sa tulong ng kanyang mga matatalik na kaibigan nung college. Pagkatapos maka-graduate at di katagalan ay nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho at nagkawatak-watak na ang barkada. Buhat kasi ng lumipat sila sa Cavite ay naging madalang na ang pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan, dalawang taon na nga ata ang nakalipas ng huling pagkikita ng magkakabarkada. Nasa kanya pa rin ang mga contact ng mga ito ngunit walang sumasagot. "Bakit kaya? May kanya-kanya na rin siguro silang buhay. Namimiss ko na sila, ano na kaya ang balita sa kanila?"  ang sabi ng kanyang isipan. "Makapag-facebook nga mamaya".

"Anak nakahanda na ang pagkain mo at nagpainit na rin ako ng tubig. Ikaw na bahala diyan, at yung pinto wag mong kalimutang isara pag aalis ka na" tawag ng kanyang butihing ina na si Aling Ma. Lolita.

"Opo Ma" tugon naman niya.

Dalawang Hotdog, isang nilagang itlog at samahan pa ng mainit na tsokolateng gatas (di siya mahilig magkape) ay swak na ang kanyang almusal.

Pagkatapos maligo at makapag-ayos ng sarili ay nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang. "Paalam po, alis na po ako Ma! Pa!"

"Ingat ka anak" sabi ng kanyang Itay. Si Mario Dimasupil nga pala dating OFW sa Singapore ang napakasipag at mabuting ama sa kanila ng kanyang kapatid na si Jane. Dahil na rin sa edad nito na 52 ay hirap na rin itong makahanap ng trabaho abroad. Buti na lamang at may naipon ito na sapat para sa kanyang pamilya na maaaring tipirin sa loob ng isang taon. Isa na iyon sa dahilan kaya dapat magsumikap si Juanito at hanapin ang daan na dapat niyang tahakin sa buhay.

Ngunit tuwing aalis siya ng bahay at pupunta ng trabaho ay parang mabigat ang kanyang katawan na hindi niya maipaliwanag. Kapag nakasakay ng bus ay iba't-ibang mukha ang kanyang nakikita ngunit iisa lamang ang mga reaksiyon na nakamasid lamang at parang wala (blanko). Kapag siya ay nakasilip sa durungawan ng bus ay makikita niya ang mga lugar na paulit-ulit at araw-araw niyang nakikita (wala namang nagbago), mga taong di malaman kung saan pupunta ngunit bakas sa mukha ng iba ang "boredom" na kagaya niya.

Para bang may kulang maihahambing sa isang lugaw na walang alat at pait na kailangan mo ng patis, kalamansi at paminta. Kaya minsan naiisip niya na "Ano kaya kung mas matagumpay ako ngayon at isang dakila, magiting at hinahangaan ng marami?. Maaari pa kayang magbago ang aking kapalaran at masabing hindi na isang ordinaryo?".

-= [Tapos na ang unang kabanata. Abangan ang kabanata 2] =-

Kampilan ni BathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon