Ikalimang Kabanata: Sa Maria Makiling

288 10 3
                                    

Mabilis ang takbo ng oras. Makalipas ang Dalawang Linggo...

Kaarawan na ni Tina.

"Kakaibang Birthday celebration to Tina. Off to Mt. Makiling!!!" masayang sigawan.

Kumpleto na ang barkada at marami pang nadagdag. Sumama rin ang kapatid ni Juanito na si Jane, isang Nars (23 taong gulang). Si Banny ang GF ni Dante, HRM graduate. Si Arianne kabiyak ng puso ni Mike. Iza kasintahan ni Ethan. Kuya Sonny "the driver and the guide loverboy" at di pahuhuli ang laptop ni "Baga" (teka bakit kasama yan?). Kasama rin ang mga miyembro ng campers youth group ("Sa totoo lang sila talaga ang may organisasyon at sumama lang kami" sa isip ni Juanito). Noong una ay ayaw pa sumama ng mga babae sapagkat natatakot sila at di naman sila sanay umakyat ng bundok at saka narinig din nila ang kwento tungkol sa bundok ni Maria Makiling. Ngunit kalaunan ay napapayag din ang mga ito dahil magandang karanasan din naman ang makaakyat ng bundok ("Achievement" din para sa sarili).

"OK. Tiyakin maigi kung kumpleto na ang mga kagamitan na gagamitin sa camping at hiking".

Tingnan muna ang talasangunian (checklist):

- Backpack (syempre mahirap naman kung wala, saan ilalagay ang mga gamit? mas mainam na malaki ang dalhin kung mas matagal ang camping)

- Tent, natutuping banig o groudsheet (para may tulugan o pahingahan pag nakarating na sa paroroonan)

- Raincover para sa backpack, raincoat para sa sarili baka kasi umulan.

- Jacket, mga damit o extrang damit, magaan na pantalon o kasuotan pang-ibaba.

- Bonnet, saklob o anumang proteksyon sa ulo.

- flash light, mapa, cellphone, camera, mga baterya, compass, tali, kutsilyo, mga posporo at iba pa.

- Stove na "butane" kung kailangan, pagkain at tagaluto.

"Ayos na. Tara na!" sabay ang lahat.

Umaaga sila umalis at ang plano ay dalawang araw at isang gabi sila doon. Nagsimula na nga ang paglalakbay patungo sa Mt. Makiling. Nang makarating sila sa paanan nito ay nagsimula na silang magtipon tipon. "OK. Ganito guys magpahinga muna tayo sandali, magtingin tingin muna kayo sa mga tanawin kung gusto niyo. Tapos mamaya balik kayo dito sa bungad ng Sto. Tomas (ito ang pinakaunang bahagi)" usal ng pinunong tagagabay.

Picture dito, Picture doon. Ang ganda ng tanawin kahit nasa paanan pa lang sila ng bundok. Mayaman at mataba ang mga lupa dito sapagkat makikita ang mayayabong na mga puno at mga halaman sa paligid.

"Isa pa Kuya Sonny, Wacky naman". Klik!. "Happy Birthday! Tina" pagbating malakas ng barkada. Sabay ang pagbuhat nila kay Tina paitaas.

"Salamat! mga tropa kong makukulit!" sagot naman ni Tina na galak na galak.

Napangiti si Juanito, "eto ang namiss ko. Ang bonding namin" bulong nya sa isipan.

Pagkalipas ng isang oras ay nagtipon-tipon muli sa dating tagpuan.

"Paalaala: Huwag na huwag kayong hihiwalay sa grupo. Ang dadaanan natin ay ang Sto. Tomas trial iba itong daan na ito kumpara sa Ligwasan na dinaan ng mga estudyante ng UP. Mas mahirap at matarik ang daanan. Basta sama-sama lang at tulungan makakarating din tayo sa tuktok. Hintayin niyo ang hudyat ko at magsisimula na tayo" paalala ng pinunong tagagabay.Tinatayang sukat ng Mt. Makiling ay nasa isanlibong talampakan.

Sa kanilang pag-akyat ay unti-unting dumidilim ang kaulapan at lumalakas ang ihip ng hangin. Nagbabadya ng malakas na ulan. Nang makarating sa ligtas na bahagi na may pagkapatag ang lupa ay nagpasya muna silang magpahinga. Nagtayo ng kanya kanyang tent ang mga grupo dahil unti-unti nang bumabagsak ang ulan.

Habang umuulan pa ay nagkwento si Kuya Sonny tungkol sa alamat ni Maria Makiling. Huwag na huwag daw magkakalat, maninira ng mga halaman at manakit ng mga hayop sa nasasakupan ni Maria Makiling sapagkat ikaw ay ililigaw ni Maria Makiling at ang mas malala ay ang parusahan ka niya at di na muling makabalik pa.

"Narinig ko na yan Kuya Sonny, elementary pa lang ako alam ko na yan. Wala bang bago?" tugon naman ni Jane na kasama nila Juanito at Kuya Sonny sa tent.

"Naikwento ko lang naman dahil nandito tayo sa teritoryo niya kaya mas mabuti ng mag-ingat kahit sabihin na alamat lang iyon" si Kuya Sonny.

Gumagabi na ng tumila ang ulan. Itinuro muna ng mga tagagabay ang tamang paggawa ng apoy kung sakaling walang posporo o lighter. Kumuha ng maraming patay na sanga ng puno, mga tuyong dahon at ibang mga bagay na madaling umapoy. Gumawa sila ng matigas na kahoy na may uka at butas upang paglagyan ng mga patay na dahon at mga "firewood" sabay ikikiskis nang paibaba ang stick gamit ang kamay o ang mga bato. Nang nag-iinit na at malapit ng umapoy ay bigla na lamang kumidlat at kumulog.

"Uulan na naman?" wika ni Juanito.

Mukang nagalit ata si Maria Makiling dahil sa pagkuha ng mga sanga ng puno.

Bumuhos na naman ang ulan. Balik ulit sila sa tent.

Nang tumila muli ang ulan ay nakakabingi ang katahimikan ng paligid. Maaaring nagpapahinga pa ang mga kasama niya. Bumangon siya at tiningnan ang paligid. Walang tao sa labas ng tent. Madilim ang paligid kaya kinuha nya ang "flashlight" sa bag.

Pumapagaspas ang mga dahon ng mga punong nasa paligid. Nakakakilabot ang lamig ng ihip ng hangin na nagpapatayo ng kanyang mga balahibo. Sa kalayuan ay may natatanaw siyang liwanag na di maipaliwanag. Sinusundan niya ang liwanag na iyon ngunit unti-unti itong naglalaho at unti-unti ring nababalot ng hamog ang paligid.

Kumapal ang hamog hanggang sa di na niya gaanong matanaw ang paligid. Dahan dahan siyang lumakad at kinakapa ang bawat paghakbang, nag-iingat at baka mahulog sa mataas na bahaging iyon ng bundok. May naaaninag siyang babaeng nakasuot puting damit. Kaiga-igaya ang amoy ng babaeng ito na parang gusto niyang yakapin. Lalapitan niya sana ito ngunit biglang nawala. Nagpakita na naman ito sa kanyang kaliwa ngunit naglaho na naman ng kanyang lalapitan. May malamig na hangin na bumalot sa kanyang katawan kasabay ng malakas na ihip ng hangin. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang kaba.

Naalala niya bigla ang alamat ni Maria Makiling. "Si Maria Makiling kaya ang nagpapakita sa akin? Kung siya nga, bakit niya ako nililigaw? Hindi naman ako ang pumutol ng mga sanga ng mga halaman" kinakabahang naisip nito.

Hindi na malaman ni Juanito kung nasaan ang daan pabalik. Di kaya ng "flashlight" niya ang sobrang dilim na may kasamang makapal na maulap na hamog. Patuloy-tuloy pa rin ang lakad kahit ang mga balahibo niya sa batok ay tumatayo na. May naaaninag siyang parang may kumakaway sa di kalayuan. "Parang yung babae na naman na tinatawag ako". Nang kanyang marating ang bahaging iyon ay laking gulat niya na may malaking puno dito ng "Balete" na sumasayaw sa malakas na ihip ng hangin. 

Sinasabi sa mga alamat na mahiwaga ang puno ng "Balete" sapagkat tahanan ito ng mga "engkanto"  o mga nilalang na naiiba sa mga pangkaraniwang nilalang gaya ng tao na sinasabing may ibang aking kakayahan. Maaaring daanan din ito tungo sa ibang bahagi ng kanilang mundo.

Kakaiba talaga ang punong ito na tila bang tinatawag siya. Kahit nakakatakot ang mga galaw ng mga sanga't ugat nito ay kanya pa rin itong nilapitan. May kung anong liwanag siyang nakita sa kalooban nito. Liwanag na nag-iinit at naglalagablab. Parang may nakatusok na isang bagay na napakahiwaga.

Lumapit pa siya, malapit na malapit na sa kinaroroonan ng liwanag na iyon. Nang akma na niyang kukunin ito ay bigla na lamang may humawak sa kanyang braso. Tumindig muli ang kanyang mga balahibo sa batok.

 Ano kaya ang mahiwagang bagay? Sino kaya ang nasa likuran niya?

-=Abangan ang susunod na Kabanata=-

Kampilan ni BathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon