Ang tikwas ng kanyang buhok na hinahawi ng hangin ay umaalon sa bawat pag-ihip. Mga mata niyang mapungay na sa bawat tingin ng mga ito'y tumatagos hanggang langit. Mga labi niyang marikit ay kaakit-akit na nanaisin ninuman halikan. Halimuyak niyang mala-bulaklak na inihahatid ng hangin ay kahali-halina sa pang-amoy. Di mapigilan tumitig ni Juanito sa kabigha-bighaning binibining mala-diwata na nasa kanyang harapan.
Ngunit biglang napigtal ang kanyang paghanga sa kagandahang bumungad ng sumingit itong si Jane.
"Anak ng! Putik! Sumingit pa itong kapatid ko na ito oh!, ang ganda na sana eh!" bulong ng isipan nitong si Juanito na nabitin sa kanyang imahinasyon.
"Maayos na ba ang iyong kalagayan? Huwanito?" tanong nitong si Amayara kay Juanito na nakangiti. Ngiting ubod ng tamis sa paningin ni Juanito.
Gumanti naman ng ngiti si Juanito ng ubod ng saya. Ang kanya namang tingin ay tila ba'y napako na sa magandang binibing nakangiti sa kanya. Ang sandaling iyon ang muling nagpangiti sa nananahimik na puso nitong si Juanito. Isang magandang pangyayari sa napakagandang umagang iyon.
"Si Kuya Oh!" tatawa-tawang banat ni Jane na tila ba alam na ang mga tingin na iyon ng kuya niya.
"O! Bakit?" nabigla itong si Juanito na nabaling na ngayon ang atensiyon sa kapatid.
"Wala Kuya!" tumatawang sagot muli ni Jane.
Napakamot ulo naman itong si Juanito ng biglang...
Lumapit si Amayara at sinapo ang noo nitong si Juanito. Namula ang mukha nitong si Juanito na nadama ang init ng kamay nitong si Amayara. Lalong namula ang mukha niya ng inilapit nito ang mukha sa kanya upang suriin kung maayos na siya. Napalunok siya ng magtama muli ang kanilang mga tingin. Lalo pa siyang napalunok ng akala niyang hahalikan siya nito, ngunit lumihis at may ibubulong lamang pala sa kanya.
"Nadarama ko ang kakaibang bugso ng iyong diwa" ang ibinulong ni Amayara kay Juanito.
Napakunot noo itong si Juanito pagkat di mawari ang naturan nitong binibini. Weird!
"Parating na si Inay, upang ika'y suriin" dagdag pa nito habang may mga damit na makaluma itong kinuha at ibinigay kay Juanito.
"Para saan ito?" tanong nitong si Juanito.
"Marumi na kasi at gula-gulanit ang iyong kakaibang kasuotan. Baka nais mong magpalit?" sabi naman nitong si Amayara.
"Kakaiba ang suot ko?" napatingin itong si Juanito sa kanyang damit. Sira-sira na ito lalo na ang kanyang pang-itaas. Pinunit ang mga tela nito sa bandang tiyan upang gamutin ang kanyang natamong sugat.
"Wala pa akong nakitang mga kasuotan na kagaya ng sa inyo. Kakaiba talaga. Sabihin mo saang bayan kayo nanggaling?" nahihiwagaang tanong ni Amayara sa kanya.
"Galing kasi kami sa ibang mundo. Ang hinaharap. Ganito kami manamit (naka t-shirt rin si Jane) sa mundo namin" ang sabi naman nitong si Jane.
"O siya nga?!!!" laking gulat na may pagkamangha nitong si Amayara.
"Kung tunay ngang nanggaling kayo sa hinaharap, ibig bang sabihin nito ay batid niyo na ang mangyayari sa amin? Maaaring nakita niyo na?" tanong ni Amayara na lalong naging interesado sa kanila.
"Hindi naman sa alam na namin ang mga nangyari sa panahong ito. Napag-aralan at itunuro lang sa amin ang kasaysayan sa iskul" aniya ni Juanito.
"Ano ang is-kul?" lalong naging interesado ang magandang dilag.
"Yan! di ka kasi marunong magpaliwanag kuya eh!... ang school ay ang lugar kung saan kami ay tinuturuan at nagpapalitan ng kaalaman sa iba't-ibang bagay. Kagaya ng Kasaysayan, pagbabasa, pagsusulat at marami pa" paliwanag nitong si Jane.
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
AventuraSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...