Sa kaibuturan ng puso ni Juanito ay nais niyang tulungan sila Lakan Sula ngunit naiisip niya ang kanyang mga kaibigan na nais namang makabalik sa kanilang mundo.
"Pag-iisipan po muna naming magkakaibigan" tugon ni Juanito sa nagsusumamong Lakan.
Tinapik naman ni Dante si Juanito sabay hila upang kausapin sa mahinang boses.
"Ano ba sinasabi mo? Pumapayag ka ba na tulungan sila?"
"Diba nga sabi ko pag-iisipan natin? Ikaw talaga"
"E parang gusto mong tulungan sila. Pansin ko lang sayo"
"Ewan ko ba pare. Nararamdaman kong kailangan talaga nila ang tulong natin... sa palagay ko dapat makausap muna natin ang mga tropa tungkol dito"
"Kung sabagay may point ka rin kung matutulungan natin sila makukuha natin mga kayamananna nandito sa room na ito. Magiging mayaman na tayo, sobrang yaman!" napatingin ulit si Dante sa mga kayamanan na nandoon at napangiti.
"Yan ka na naman" sabay napatingin din si Juanito sa mga kayamanan at nagkatinginan silang dalawa na nagkatugma ang iniisip kaya't sabay silang napatawa.
"Pero paano kaya natin sila matutulungan kung hindi ko naman alam gamitin ang espadang ito?" muling paghawak ni Juanito sa tabak.
"Malay ko din, Ni hindi ko nga mahawakan yan e. Mabuti pa puntahan na muna natin sila" tugon nitong si Dante.
"Huwag mabahala mga panauhin buhat pa sa kabilang daigdig, akin kayong gagabayan pagka't iyon ang aking tungkulin" wika nitong kagalang-galang na Ingkong.
"Halina't inyong tuklasin ang aming daigdig ng lakas-loob at walang pangamba na magbibigay daan sa mga bagong karanasan"
"Yan na naman si Tanda parang nagda-dialogue" bulong ni Dante kay Juanito.
"Ano iyon Da-ante? May nais ka bang ipabatid?" tanong ng Ingkong.
"Aba kilala na nya ako" mahinang bulong ni Dante.
"Ah eh. Wala po. Pupunta na po kami sa mga kasama namin" patuloy nito.
Pumayag naman ang Lakan na sila ay bumalik at pag-usapan ang tungkol sa haharaping paglalakbay.
Sa kanilang pagbalik kung nasaan ang mga kaibigan ay agad nilang napansin ang mga kababaihan na abala sa paglalaro ng sungka.
"Talo ka na naman Arianne" pag-aasar nitong si Banny
"Wait di ko talaga ma-gets kung bakit talo na naman ako? Look mas marami yung mga buto ng sa akin" pagdepensa naman ni Arianne.
"Oy! Tingnan mo kaya yung sa akin, then count mo. Kita naman mas marami talaga yung sa akin" pagbawi ulit ni Banny.
"No. Look. Ako talaga panalo"
"Hindi. Ako eh!"
"Tama na! Di naman kayo marunong maglaro e. Kami naman" pag-awat ni Iza.
"Kakalaro nyo lang kanina ah!" sambit ni Banny.
"Aba! Mukhang nagkakatuwaan kayo ah!, sali naman kami dyan" biglang singit ni Dante.
Nagulat ang mga nagsisipaglaro na napatingin, ngunit napalitan agad ito ng may galak ang mga mata.
"Nandirito na pala kayo kuya. Kamusta naman? Ano ang sinabi sa inyo ng Lakan?" tanong ni Jane na atat ng malaman ang napag-usapan.
Sa mga sandaling iyon ay naikwento nila ang napag-usapan sa tahanan ng Lakan. Mahaba-haba ang kanilang talakayan tungkol sa pithaya ng Lakan. Naikwento rin nila ang tungkol sa kayamanan.
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
AventuraSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...