Mabigat ang katawan, mabagal ang lakad na animo'y ayaw ng pumasok. Lumilipad ang isip na tila may iniisip, kung ano man ay di mawari.
Simple lang ang buhay ni Juanito, kain, tulog, pasok sa office, uwi sa bahay at ulit na naman kinabukasan. Paulit-ulit parang isang relong paikot-ikot at pabalik-balik sa isang bilugang ikutan.
Pumasok sa isipan niya ang salitang kasintahan. Kasintahan? Ano un?... hindi naman sa hindi nagkaroon ng "girlfriend" si Juanito, nagkaroon din naman siya ng "girlfriend" dati ngunit napakatagal na nun at hindi rin sila nagtagal (bakit? tanungin niyo kaya siya). Ganito kasi yun, may girlfriend siya dati nung college days na nagngangalang Marj (hindi imbento yan). Hindi kaputian ngunit makinis, mayroong maamong mukha na "cute" kung titingnan at labing masasabing masarap siilin kung iyong hahalikan. Kwelang kasama, mabait at masayahin (ayos na e, bat pa pinakawalan?). Kasa-kasama sa paggawa ng mga project at takdang aralin na may kinalaman sa computer, kasa-kasama rin kung may outing ang barkada, kasama nga lang ba?. Hindi maikukubli ang malalagkit na tinginan at matatamis na ngitian. Hawak kamay na naglalakad na tila bumabagal ang takbo ng oras. Sa tuwing maglalapit at magdidikit ang kanilang mga labi ay parang tumitigil ang mundo nila. Yun ang mga araw na walang paglagyan ang ligaya ni Juanito. Hindi pa rin niya malimutan ang mga sandaling magkasama sila ni Marj.
Ngunit isang araw na lamang ay biglang nawala si Marj sa di malamang kadahilanan. Hinanap niya kung nasaan man si Marj ngunit wala na ito sa kanilang bahay. Isang malamig at walang katao-taong bahay. Nagtanong siya sa kapitbahay nito. Sinabi ng mga ito na umalis na sila Marj kasama ang mga magulang nito patungo sa kung saan man na di nila alam. May nakapagsabi na nasa ibang bansa na sila at doon ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral.
Hindi siya makapaniwala na basta na lamang aalis si Marj ng hindi nagpapaalam sa kanya. Kaya araw at gabi, umula't umaraw ay pabalik balik siya roon at paulit-ulit na nagtatanong kung nasaan na nga ba talaga si Marj. Hanggang sa katagalan at maraming taon na ang nakalipas ay nagsawa na rin siya. Napakabigat ng pakiramdam niya na parang binagsakan ng isang malaking bato sa pangyayaring iyon. Pilit niyang kinakalimutan ang nakaraan nila ngunit bakit kaya naaalala niya pa rin ito magpahanggang ngayon? "O Marj, nasaan ka na kaya ngayon?".
Biglang may pumitik malapit sa kanyang tenga at napabulalas ng "Hoy! itigil mo na ang pagmumuni-muni. Oras na ng trabaho. Check your email for the updates about some technical issues". Bossing niya pala kaya napabalikwas ito mula sa kinauupuan. "Si-Sir pasensya na, sige po sisimulan ko na po i-check ung mga email". Check ng email, troubleshooting ng mga kompyuter, ayusin ang mga network connection at makipagbolahan sa mga kliyente. Yan ang IT Staff, mas madalas pag walang problema ang mga kompyuter ay petiks lang padownload-download lang ng mga music, movies at kung ano-ano. Wala e, may pribileheyo kasi gumamit ng internet na sulit na sulit kakontiyaba pa ang boss minsan.
Pero kahit ganoon ay di pa rin siya masaya parang gustong may mabago. "Ganito na lang ba araw-araw? Juanito ano ba talaga ang kapalaran mo sa mundong ito?" pagmumuni-muni niya. Mapatid sana ang paulit-ulit, paikot-ikot at pagkabagot sa buhay na paikot-ikot at paulit-ulit nga. Ano nga ba and dahilan at bagot pa rin itong si Juanito? Maaari kayang may hinahanap pa siya na mas magandang kapalaran na may "aksyon" o tinatawag na pakikipagsapalaran? O di kaya ay hinahanap-hanap niya pa rin si Marj at di maalis sa isipan ang dating suyuan nila? Maaaring parehas iyon ang kanyang hinahanap at pinapangarap.
-------------------------------------------------------------------------------------
*Sa pagitan ng makabagong mundo at ng Santinakpan*
Malakas ang hangin na iwinawasiwas ang mga bungkos ng sanga't ugat ng naglalakihang puno ng "Balete". Sa laki nito na may mga ugat na nagmumula sa taas paibaba na sumasayaw sa ihip ng malakas na hangin ay tila may tinatawag. May nakatusok sa kalooban nito na may liwanag na taglay. Nagpapahiwatig na may magsisimulang bagong pakikipagsapalaran. Malapit na.
-= [Abangan ang susunod na kabanata] =-
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
مغامرةSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...