Mas matindi ang liwanag na nilikha ng "Kampilan ni Bathala". Mas matindi pa sa liwanag na kanilang nilikha kanina. Nagniningning, nag-aalab at nagliliyab ang talim nitong walang kapantay. Walang makakilos, walang umiimik at lahat nakatingin lamang sa mahiwagang tabak na may pagkamangha sa kanilang mga mukha.
"Mahusay Hu-wa-ni-to, naantig mo ang kanilang mga puso at ngayo'y handa na rin makipaglaban" natutuwang sambit ni Ingkong Dunong.
Nakahanda na rin lumaban si Mike na inilabas ang kanyang itinatagong baril, ang Colt M1911. Nanginginig man ang kanyang mga kamay dahil sa takot ay nagawa niya pa rin maitutok ang baril paitaas at handa ng magpaputok anumang sandali.
Lima ang lubhang nasugatan at kasalukuyang binibigyan ng pang-unang lunas ni Jane. Pitong mandirigma kabilang si Ulang Sinag ang haharap laban sa limang Agta na mga nagngingitngit sa galit.
"Mahusay!, ngunit handa ka na ba?" nakangiting sambit ni Ulang Sinag na batid na niya na may katuwang siyang lalaban.
Napatingin si Juanito kay Ulang Sinag na may tapang ang mga mata. Tumango siya bilang pagpapahiwatig na nakahanda na siyang lumaban.
"Jane, umalis ka dyan!. Dito ka lang malapit sa amin" sigaw ni Juanito sa kapatid na may kalayuan sa kinatatayuan nila.
Ang isang Agta, mas malaki kaysa sa iba at dahil na rin sa lakas na taglay ay nahugot ang malaking puno ng Santol. Umakma na itong hahambalusin sila ng tangang malaking puno.
"OMG!!" sabay-sabay na tili ng mga babae.
"Shit!... Jane!" sigaw ni Juanito na nag-aalala sa kapatid dahil mas malapit ito sa kinaroroonan ng kalaban na may dalang malaking puno.
Buong lakas na iwawasiwas ng malaking nilalang ang dala niyang malaking puno ng...
"Thuddd!!" Bigla na lamang itong natumba at nabagsakan ng dalang puno ng Santol.
Laking gulat nila sa nangyari. May pagtataka ang kanilang mga mukha sa di maipaliwanag na pangyayari. May mga ugat ng puno na pumulupot sa mga binti nitong malahiganteng nilalang. Di ito makatayo at napipilan sa pag-atake. May kung anong salamangka ang nagpapagalaw sa mga ugat ng puno ng Santol. Salamangkang dito lamang sa mundong ito.
"Anong nangyayari?" pagtataka ni Juanito. Daglian namang tumakbo si Jane sa kinaroroonan nila.
May binibigkas si Ingkong Dunong ng pabulong na di mabatid ng sino man sa kanila. Tila isang mahika o salamangka ang kanyang binibigkas kaugnay ng pagtaas ng kanyang tungkod. Humihigpit ang mga ugat ng puno na sumusunod sa bawat pag-angat niya ng kanyang tungkod.
Salamangka: Pagmamanipula ng mga bagay na binubuo o may kaugnayan (affinity) sa lupang kalikasan. Isang kakayahan na biyaya mula sa Panginoon ng kalupaan na si Dumangan.
"Ang galing! Ingkong Dunong paano niyo po nagawa yun?" namamanghang si Juanito. Ngunit napigtal ito ng umungol ng malakas, nakakatakot at nakakabingi ang iba pang mga Agta.
Makakawala na sa pagkakagapos ng mga ugat ang natumbang Agta ng dahil sa tulong ng mga nakakabinging ungol na iyon. Hindi na maituon ni Ingkong Dunong ang kanyang isipan sa pagpapanatili ng kanyang kakayahan ng dahil rin doon. Nakakabingi, nakakabasag pandinig at nakakarinding ingay ang hatid niyon. Napaluhod silang napatakip tenga at di makakilos. Nang matapos ang mga ungol na iyon ay daglian nang lumusob ang mga malahiganteng nilalang para sa panapos na pagsalakay. Unti-unti na rin nagdidilim ang paligid kasabay ang humihinang ningning ng liwanag na hatid ng mahiwagang tabak. Katapusan na nga ba nila? Yan ang muling pumasok sa isipan ni Juanito. May takot at pangamba na nagpapawala ng lagablab ng "Kampilan ni Bathala".
BINABASA MO ANG
Kampilan ni Bathala
AdventureSumagi man lang ba sa isipan mo o nangarap ka rin ba ng kagitingan na higit pa sa kung ano ka ngayon?. Nais mo bang maglakbay at liparin ang daigdig ng walang hanggang pakikipagsapalaran taglay ang nag-aalab na puso? Samahan si Juanito sa kanyang pa...