Nina
Inangat ko ang baso ng kape sa mesa. Nakita kong may lip mark na ang maliit na butas sa takip nito. Nainuman na niya ito. Inilapit ko ang kape sa aking bibig sabay higop. Ummm, masarap din ang flavor na ito.
Pinanatili ko sa aking labi ang bukana ng baso sabay pasimpleng halik dito, indirect kiss! Kinikilig at pilya akong napangiti; baso niya pa lang ito paano pa kaya kung totoong labi na niya.
Binitbit ko ang kape sabay kuha sa aking backpack. Mabilis akong lumabas ng coffee shop at hinanap si Reyden. Luminga-linga ako pero hindi ko siya makita. Ang bilis naman niyang nawala!
Lumiko ako pakaliwa at nagpatuloy sa paglalakad nagbabakasakaling nariyan lang siya sa paligid. Nakailang liko na ako pero wala na talaga siya. Bakit ba kasi hindi ko pa siya sinundan pagkalabas na pagkalabas niya kanina! Kainis!
Nanghihinayang akong bumalik sa loob ng coffee shop. Napalabi akong umupo sa dati kong pwesto! Tinitigan kong muli ang pangalan niya sa cup.
"Sisiguraduhin kong mahahanap kita at magkikita tayong muli." Bulong ko sabay bahagyang ngiti. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya ulit nakikita. Kapag nakita ko siya sa susunod, sisiguraduhin kong hindi na niya ako makakalimutan.
Makalipas ang dalawang oras nang paghihintay ay nakita kong pumasok si Jodie sa coffee shop. Natuwa ako nang mapansing mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan kumpara sa payat niyang pigura noong college kami. Nakasuot siya ng isang puting polo na tinernuhan ng pink na skirt at wedge na sandals.
Tulad ng dati ay suot pa rin niya ang makapal na eyeglasses sa kanyang mata at kulot pa rin ang maiksi niyang buhok.
"Sorry to keep you waiting!" Masaya at excited niyang bungad.
Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit. "I miss you!" Usal ko.
"I miss you too!" Ganti niyang bulong.
Huli kaming nagkita noong araw na sumama siya kay Ethan at Ate Bel. Sa loob ng nakaraang mga taon ay tanging sa tawag, text, at video chat lang kami nagkakausap.
Nang magpasya akong lumuwas ng Maynila ay siya agad ang unang sumagi sa aking isipan. Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang pumayag na pansamantala akong makituloy sa inuupahan niyang apartment habang wala pa akong nahahanap na tirahan.
"Kumain ka na ba?" Malambing niyang tanong.
Tumango ako.
------------------------------------------
Reyden
I felt desperate! Hindi ko matanggap na wala akong magawa para kay Celine. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan habang nakikita ko siyang nahihirapan.
Ito ang isa sa mga pagkakataong ayoko nang balikan. Bakit ba kailangan ko pa itong muling makita? Ang panaginip kung saan sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa.
Lumuluha ako habang pilit na sinusuntok ang lalaking may pilat sa leeg. Ang lahat ng suntok ko ay tumatagos lamang at hindi tumatama. Napasandal ako sa gilid ng van. Hingal na hingal akong nakatitig sa duguang si Celine habang ipinapasok siya sa loob ng lumang bahay.
Mahigpit kong kinuyom ang aking kamao. Wala akong magawa!
Sa di kalayuan ay naaninag ko ang anyo ng isang babae. Ang parehong babaeng nakikita ko sa ibang panaginip. Anong ginagawa niya rito? Paano siyang napunta sa pangyayaring ito?
Patakbo siyang lumapit sa akin. Pumatak ang mga luha mula sa kanyang bilugang mga mata. Bakit siya umiiyak?
Hindi natuloy ang paglapit niya sa akin nang bigla siyang mapasigaw kasabay nang pagsuntok ko sa salamin ng van.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!