CHAPTER 78: Forever!

1K 79 35
                                    

Nina

"Let's go home!" Aligaga kong yaya kay Reyden pagkababang-pagkababa namin sa ferris wheel.

Tumawa siya sabay tingin sa akin nang malagkit. "We still can't go home. May pupuntahan pa tayo." Sabi niya sabay ngiti.

Napataas ang kilay ko. Gusto ko nang umuwi at ituloy ang ginagawa namin kanina! "Saan na naman tayo pupunta?" Pasimple kong tanong para hindi naman mahalatang atat na atat akong makasama siya sa loob ng kwarto.

"Basta." Sagot niya sabay nakaw ng halik sa aking labi.

Agad niya akong hinila at sa isang iglap ay nasa parking na kami at pasakay ng kotse. Wala kaming ginawang dalawa kundi ang magtinginan at magngitian habang papunta kami sa kung saan. Hawak-hawak niya ang aking kamay at paulit-ulit niya itong hinahalikan habang nagda-drive.

"Hindi kaya tayo mabangga?" Pang-aalaska kong tanong.

"Huwag kang mag-alala, you're in good hands." Sagot niya sabay halik muli sa aking kamay.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nag-park si Reyden sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang isang maliit na kapilya.

"Anong ginagawa natin dito?" Curious kong tanong.

"Come on, they are waiting for us." Excited niyang yaya sabay hila sa aking kamay.

Sinong naghihintay sa amin? At bakit sa kapilya? Nasa bungad pa lang kami ay natanaw ko na ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko, si Ate Bel at si Ethan.

"Anong ginagawa niyo rito?" Masaya at excited kong tanong.

"We were just invited for a wedding." Nakangiting sagot ni Ethan na nakasuot ng coat na tinernuhan ng jeans at rubber shoes.

Napakamot ako ng ulo. Bagets na bagets ang porma ng loko. Napakunot ang noo ko nang ilabas ni Ate Bel ang isang simpleng bouquet na may pinaghalong puti at pink na mga bulaklak.

"Ready ka na ba?" Kinikilig niyang tanong sa akin.

"Ha?" Awang ang bibig kong tanong. Anong ibig niyang sabihin? Kinabig ako ni Reyden palapit sa kanya. Napatingin ako sa kumikinang niyang mga mata.

"You agreed to marry me a while ago, so let's get married right now." Pabulong niyang sabi.

Napanganga na naman ako. Tulala lang akong nakatitig sa kanya. Seryoso ba siya? Napahawak ako sa kanyang dibdib. Hindi ko malaman kung anong klaseng reaksyon ang ipapakita ko. Nagsimula na namang bumilis ang pintig ng puso ko. Ikinulong niya ako sa kanyang mga yakap at hinagod ang aking buhok.

"Unahan na natin silang lahat. I just want us to get married before I lay you down to bed tonight. Don't worry, we'll have our wedding again together with our families." Bulong niya na lalong nagbigay sa akin ng kaba at saya.

Muli ko siyang tinitigan at maluha-luhang tumango. Hindi ko kayang humindi sa kanya lalo na sa ganitong pagkakataon. Sobrang excited akong makasal sa kanya kahit saang simbahan at kahit sa paanong paraan. Magiging choosy pa ba ako ngayong may isang lalaking tunay na nagmamahal sa akin?

Hinipo ko ang kanyang pisngi. "Hindi ka rin excited sa honeymoon natin, ano?" Biro kong sabi.

Natawa siya sabay hawak sa aking kamay. Mariin niya itong hinalikan kasunod ang aking noo. Tinitigan niya ako na para bang ako lang ang nakikita ng kanyang mga mata.

"I'll wait for you at the end of the isle." Bulong niya bago niya ibigay ang kamay ko kay Ate Bel na kung makangiti ay tinalo pa ang ikakasal.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok sila ni Ethan sa loob ng simbahan.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon