CHAPTER 7: The Same

1.2K 100 17
                                    

Reyden

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makakuha siya ng dalawang mug. Binuksan niya ang cabinet sa itaas na para bang alam na alam niya kung saan nakalagay ang kape at creamer.

Nasa bandang dulo ng cabinet ang lalagyan ng kape kaya tumingkayad siya para abutin ito. Napatitig na naman ako nang umangat ang t-shirt na suot niya at lumabas ang mapuputi niyang mga hita.

Kinapa niya ang garapon pero hindi niya maabot. Gusto kong matawa pero pinigil ko dahil baka mag-transform na naman siya at magsimulang magtaray at dumaldal.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang garapon para ilapit sa kanyang kamay. Napatingala siya sa akin at muling nagtama ang aming mga mata. May kung ano talaga sa mga mata niya na parang humihigop sa akin at tumutunaw sa puso ko.

Ngumiti siya at ibinaba na niya ang garapon sa kanyang harapan. Sumandal ako sa kitchen counter at pinanood siya sa kanyang ginagawa hanggang sa matapos siyang magtimpla.

Binitbit niya ang dalawang mug ng kape at niyaya na akong bumalik sa dining table. At home na at home talaga siya sa loob ng condo ko; nakakatuwa. Wala rin siyang pakialam na magulo pa ang kanyang buhok at hindi pa siya nakapagsuklay.

Magkaharap kaming umupo at nagsimulang kumain.

"Mmm, ang sarap!" Naibulalas niya sa gitna ng kanyang pagsubo.

Napangiti na lang ako sabay yuko para hindi niya makitang natutuwa ako nang husto sa kanyang sinabi.

"Pwede bang ampunin mo na lang ako at araw-araw mo kong ipagluto." Biro niya.

Napatingin ako sa kanya; pangatlong babae na siyang nagsabi sa akin ng parehong linyang iyon. Tinawanan ko lang siya.

"Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" Out of the blue niyang tanong.

"I'm waiting for someone." Diretso kong sagot.

"Oww, may babae ka na palang hinihintay." Malungkot niyang sambit.

Hindi naman ako namamalikmata nang mapansin kong nag-iba ang itsura ng kanyang mukha. Nalulungkot ba siya dahil sa isinagot ko.

"How about you? Who is Dave?" Hindi ko na napigilang itanong nang maalala ang pangalang binanggit niya kanina.

"Dave? How'd you know about that name?" Taka niyang tanong.

"You mentioned him while you were sleeping." Sagot ko.

Hindi siya umimik ng ilang segundo.

"I actually don't know him. Ang alam ko lang may asul siyang mga mata at hindi siya Pilipino. I have been seeing him in my dreams these past few months pero hindi ko siya kilala personally. Hindi ko rin alam kung totoo siya o hindi." Malumanay niyang sagot.

Ako naman ang hindi nakaimik sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Taga San Nicolas ka bang talaga?" Tanong ko para ibahin ang usapan.

"Nope, taga-Baguio ako." Sagot niya.

Napakunot ang noo ko, taga-Baguio siya. "Really?" Pangungumpirma ko.

"Yup. I'm just here to visit some of my friends." Sagot niya.

"Huhulaan ko ang date ng birthday mo, May 28!" Sabi ko nagbabakasakaling pati birthday niya ay pareho sa birthday ni Nina.

Napatingin siya sa akin sabay ngiti. "Paano mo nalaman, na-stalk mo na ang FB account ko noh?"

Nanlaki ang aking mga mata. Totoo ba ito?

"I just know someone with the same birthdate." Nagugulumihanan kong sagot.

Napaisip akong muli. Posible ba talagang parehong-pareho sila ni Nina?

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon