Ate Bel
Palabas pa lang kami ng arrival area ng airport ay agad na may sumalubong sa aming dalawang matatangkad na lalaki na pawang nakasuot ng Amerikana. Si Jenny ang una nilang nilapitan at tinulungan sa mga bitbit nito. Sunod nilang kinuha ang mga bag na bitbit ni Ethan.
"Sosyal, may alalay." Pabirong bulong ni Nina sa akin.
Natawa ako. "Huwag namang alalay, bodyguard naman." Ganti kong biro.
"Ate Bel, your bag." Sabi sa akin ni Ethan sabay tingin sa malaki kong handbag.
Umiling ako. "Hindi na-ako na." Tanggi ko.
Pagkalabas namin sa airport ay bumungad sa amin ang dalawang magarang sasakyan na pawang kulay itim ang kulay. Napalunok ako nang makita ang Mercedes-Benz na tatak ng mga ito. Siniko ko si Nina na ngingiti-ngiti rin habang pinagmamasdan ang mga sasakyan.
"Ang gwapo." Bulong niya.
"Yeah, ang gwapo ng mga sasakyan." Ganti kong bulong.
"Hindi, ang gwapo ni Ethan!" Sabi ni Nina sabay tingin sa akin nang nakakaloko.
Nginitian niya ako na para siyang nang-aasar. Pinigil ko ang mga ngiti sa aking labi. Hindi dapat ako masyadong umasa. Ni minsan hindi naman umamin sa akin si Ethan!
"Come on." Yaya sa amin ni Ethan pagkatapos niyang kausapin ang dalawang bodyguard.
Humiwalay sa amin si Jenny at sumakay sa isang sasakyan kasama ang mga bruskong lalaki. May dadaanan pa raw siyang iba bago siya umuwi.
"Ikaw ang magda-drive?" Taka kong tanong kay Ethan nang makaupo siya sa driver's seat.
Ngumiti siya sabay kindat sa akin. Parang natunaw ang puso ko dahil sa kaniyang ginawa.
"I asked them to leave us alone. Ayoko namang magmukhang sobrang pa-VIP sa harap ninyo." Sagot niya.
Hindi na ako kumibo habang patuloy na nang-asar si Nina sa loob ng sasakyan. Mariin kong tinitigan si Ethan. Hindi ako makapaniwalang ganito kayaman ang pamilya niya. Alam kong mayaman na sila noon, pero yung ganito kayaman- hays. Lalo akong nagdadalawang-isip kung pwede ba talagang maging kami.
Tahimik akong nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang naggagandahan at nagtataasang mga gusali. Ang ganda! Halos ilang araw din kaming hindi lumabas ng apartment dahil sa mga pasa namin sa katawan. Ang sarap sa pakiramdam na makasagap ng sariwang hangin.
Hindi ko akalaing makakabalik kami rito ni Nina sa Canada.
"We're here!" Balita ni Ethan makaraan ang ilang minuto.
Pumasok ang kotse sa isang malaking gate at tuloy-tuloy nitong tinahak ang daan na umabot ng ilan pang metro bago ang main house.
Lalo akong napalunok nang makita ang malaking pintuan sa entrance. Nananaginip ba ako? Ito ang bahay nila o nagkamali lang kami ng pinuntahan? Nilibot ko ang mata ko sa paligid, mas paganda pa sa resort ang aking nakikita.
Bumukas ang pinto ng sasakyan sa aking tabi. Inilahad ni Ethan ang kanyang kamay para alalayan akong bumaba. Napatitig ako sa kanya. Dumako ang tingin ko sa kanyang kamay. Puno nang pag-aalinlangan ang aking mukha. Aabutin ko ba? Tama bang nandito ako? Papaasahin ko na naman ba ang sarili ko? Paano kung hindi pala pwedeng maging kami?
"Are you okay? Don't be scared. Si Mom and Dad lang ang nasa loob." Marahang sabi ni Ethan nang mapansin niyang hindi ako kumikilos sa aking kinauupuan.
Inabot niya ang kamay ko at marahan itong hinimas at pinisil. Ang init ng kanyang malalaki at malalambot na kamay.
"Ate Bel, they're waiting." Bulong niya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!