Reyden
Dalawang araw ang lumipas. Inilipat namin si Jodie sa ospital kung saan naka-confine ang katawan ni Nina. Nakatayo ako at nakatitig sa katawan ni Nina habang hinahagod ang kanyang buhok. Pinagmasdan ko nang maigi ang kanyang mukha na namumutla at bahagyang nangingitim. Tulog na tulog siya na parang wala siyang problema. Kailan siya babalik sa kanyang katawan?
Napalingon ako nang umungol si Nina na nasa katawan ni Jodie. Agad ko siyang nilapitan sa kama na nasa kabilang dulo ng silid. Bukas ang kanyang mga mata.
"Reyden.." Paos niyang tawag sa aking pangalan.
Nginitian ko siya. "Good morning!" Bati ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.
Itinaas niya ang kanyang kamay at inabot ang aking pisngi. Inalalayan ko ito at marahang hinawakan para hindi ko matabig ang bendang nakapulupot dito.
"Nagugutom ako." Mahina niyang bulong sabay ngiti.
Pinilit kong ngumiti. Alam kong sinusubukan niya lang maging matatag sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.
"Anong gusto mong kainin?" Malambing kong tanong sa kanya.
"Ikaw." Paos niyang biro.
Hindi ko napigilang hindi matawa. Kaya mahal na mahal ko ang babaeng ito dahil nagagawa niyang masaya ang lahat ng sitwasyong hindi kaaya-aya.
"Get yourself ready kapag nakabalik ka na!" Pilyo kong biro na nagpangiti sa kanya.
Muli siyang pumikit at tuluyan na namang nakatulog katulad ng ginagawa niya nitong huling dalawang araw. Kung pwede lang sanang ako na lang para hindi na siya mahirapan! Ayoko siyang nakikita sa ganitong kalagayan. Nadudurog ang puso ko sa tuwing maririnig ang kaniyang pagdaing.
-------------------------------
Nina
"Awww, Ate Bel, masakit!" Reklamo ko habang pinapalitan niya ng bandage ang kanan kong paa na malalang nasunog mula sakong hanggang tuhod.
Pang-limang araw ko nang nakaratay sa higaan ng ospital na ito. Tuyo na ang ilan sa mga paso sa aking katawan at hinihintay na lang naming gumaling ang aking paa na hanggang ngayon ay mahapdi pa rin at nagtutubig.
Nagpapasalamat ako at buhay pa ako pero hindi ko kinakayang isipin na halos buong katawan ni Jodie ay may paso at pilat. Napatiim-bagang ako nang maalala ang lalaking nagpaliyab sa kubo! Sino siya!
"Sorry naman, dumidikit eh!" Nakangiwing sabi ni Ate Bel na mas naging marahan sa kanyang ginagawa.
"Ate Bel, pahiram ng salamin." Sabi ko dahil gusto kong makita ang aking mukha.
Napatigil si Ate Bel at nag-aalinlangang tumingin sa akin. "Wala akong dala." Sabi niya na alam kong hindi totoo. Parati siyang may dalang salamin sa malaki niyang shoulderbag.
"Ganon ba talaga kapangit?" Nanlulumo kong tanong.
Hindi siya umimik. Napangiwi ako, mukhang ang pangit ko na nga! Ano na lang ang mararamdaman ni Jodie pag nagising siya at makita ang kanyang itsura. Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata.
Nang matapos mabalot ni Ate Bel ng benda ang aking paa ay tumungo siya sa CR para maghugas. Agad kong pinalis ang luha sa aking pisngi para hindi niya ako maabutang umiiyak. Ayokong makita nilang nahihirapan ako!
Paglabas niya ng banyo ay sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Pumasok sila Reyden at Ethan na may dalang grocery bags.
"You're back!" Bungad ni Ate Bel.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystère / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!