Ethan
Umiikot na ang sikmura ko sa sobrang nerbiyos habang pinapanood si Bel. This is the first time that she is deliberately using her ability as a Fallen to bridge a soul. Hindi ko alam at wala akong ideya kung ano ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito!
Napahilamos ako sa aking mukha na kanina pa pinagpapawisan. Kitang-kita ko nang pumasok ang kaluluwa ni Nina sa kanyang katawan. Nang tuluyan itong makapasok ay agad na nawala ang asul na liwanag sa paligid ni Bel at Nina. Nagdilim ang buong silid!
Kinapa ko ang switch at bumukas ang ilaw. Nakita kong nakatayo pa rin si Bel sa tabi ng kama ni Nina. Marahan ko siyang nilapitan habang si Reyden naman ay lumapit kay Nina.
"Bel..." Nauutal kong tawag sa kanya.
Marahan siyang lumingon sa akin at banayad na ngumiti. "It worked." Pabulong niyang usal.
Ngingiti na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil biglang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong.
"Bel!" Sigaw ko sabay salo sa kanya nang gumewang ang kanyang katawan.
Hinugot ko ang panyo mula sa aking likurang bulsa at agad na inilagay ito sa kanyang ilong. Paulit-ulit kong tinawag ang kanyang pangalan kasabay ng pagbuhat ko sa kanya papunta sa visitor's bed. Marahan ko siyang inilapag habang hinahagod ang kanyang likod.
"Here." Tawag ni Reyden sabay abot ng isang basang bimpo.
Agad kong ipinunas sa batok paikot sa leeg ni Bel ang bimpo para maginhawahan ang kanyang pakiramdam. Mabilis na naampat ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang ilong.
"May masakit ba sa'yo?" Sobrang pag-aalala kong tanong.
Umiling siya at ngumiti. "Just tired." Nanghihina niyang sagot. Pumikit-pikit ang kanyang mga mata.
Hinagod ko ang kanyang buhok at buong pagmamahal ko siyang hinalikan sa noo.
"Si Nina?" Tanong niya.
Napangiti ako. Napakaswerte ko sa babaeng ito na mas inuuna pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya.
"She's fine." Malambing kong sagot.
"The mark on her shoulder is gone." Singit ni Reyden.
Umabot hanggang tainga ang ngiti ni Ate Bel. Maging siya ay nabunutan ng tinik sa kaniyang dibdib.
"Mabuti naman." Sabi niya sabay hinga nang malalim.
"Take a rest." Utos ko. Inayos ko ang unan at agad ko siyang pinahiga. Inilatag ko ang kumot sa kanyang katawan at inayos ito hanggang sa kanyang balikat.
"Just sleep." Muli kong sabi habang hinahagod ang kanyang pawis na buhok. She looks so tired!
Hindi na niya nagawang sumagot at tuluyang pumikit ang kanyang mga mata. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang noo pababa sa tungkil ng kanyang ilong at pagapang sa kanyang mga pisngi. Huli kong dinampian ng halik ang kanyang mga labi.
-------------------------------------------------
Reyden
Humihikab akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking balikat. Pagtingin ko ay ulo pala ni Ethan na nakasandal sa aking balikat.
Hindi na kami nakatulog nang maayos mula kagabi dahil umuulit-ulit sa isip namin ang itsura ng mga multong nasa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay nahihintakutan pa rin ako sa tuwing naaalala ko sila. Iginalaw ko ang aking balikat at napaigtad si Ethan na muntik nang mahulog sa upuan.
"Wake up, umaga na!" Inaantok at tatawa-tawa kong sabi.
Umungol siya sabay hawak sa kanyang mukha. "Really! Haven't slept well!" Reklamo niya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!