Reyden
Nanatili akong nakaupo habang pinagmamasdan ang natutulog na si Nina. Hindi ko siya magawang gisingin sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.
Walang nangyayaring kahit ano sa paligid! Naiinip na ako. Humikab ako at nagpasyang tumabi na lang sa kanya at matulog muli. Niyakap ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.
Muli akong nagising. Pagtingala ko ay nakita ko ang mataas na gate sa aking harapan, ang kulungan! It's working!
Agad kong iginala ang aking mga mata. Naaninag ko ang isang babaeng may kulay pulang buhok na nakatago sa likod ng isang puno. Tumakbo ako palapit sa kanya. Mariin ko siyang tinitigan, Si Emy! Hindi ako maaaring magkamali dahil sa berde niyang mga mata!
Napalingon ako nang marinig ang langingit ng malaking gate. Lumabas ang isang babae, si Jane! Napamangha ako nang makitang nakasunod sa kanya si Nina na isang kaluluwa.
Nina! Kinakabahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang balikat pero tumagos lang ang aking kamay. Hindi na ako nagtaka; hindi ko siya mahawakan dahil isa lang itong ala-ala.
Nakita ko ang kwintas na kanyang suot, ang kwintas na bigay ni Ethan. Nalungkot ako. Kung hindi ko itinapon ang kwintas na ibinigay ko sa kanya, iyon dapat ang suot-suot niya hanggang ngayon!
"I'm sorry." Pabulong kong usal.
Nakaramdam ako ng pangungulila. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
Nakita kong natawa siya. Sinundan ko ang kanyang tingin; I saw Jane and Dave kissing each other.
Muli kong pinagmasdan si Nina. Nakakatuwang makitang masaya siyang nakatulong sa iba.
Lumapit si Emy at kinausap si Nina. Tinawag ni Nina na Meridith si Emy. Totoo nga! Si Emy at si Meridith ay iisa! Kainis! Ang babaeng hinahanap namin mula noong umpisa ay nasa harapan lang pala namin!
Sa simula pa lang ay inaabangan na ni Meridith ang paglabas ni Nina. Napangisi ako nang sobra-sobra; rinig ko ang kung anu-anong kasinungalingan na pinagsasasabi niya kay Nina!
"Liar!" Usal ko habang pinakikinggan ang mapagpanggap na mga salitang namumutawi sa nakakasuklam na bibig ng babaeng may berdeng mata!
Sumama sa kanya si Nina. Hindi ko masisisi si Nina kung inakala niyang totoo ang lahat ng sinasabi ni Meridith! Alam kong gustong-gusto na niyang bumalik sa kanyang katawan. Sumakay sila sa isang vintage car. Sumakay din ako hanggang sa makarating kami sa isang lumang simbahan.
Ito na iyon ang lumang simbahang hinahanap namin. Pumasok sa loob sina Nina at Meridith.
Hindi lang luma kundi abandonado ang simbahan. Sira-sira ang mga upuan at ang mga ibang kagamitang nasa loob nito habang puno ng lumot ang mga pader sa paligid.
Hindi man lang ba nagtaka si Nina pagkapasok niya sa lugar na ito?
Patuloy ko silang sinundan sa paglalakad hanggang sa makapasok sila sa silid sa likod ng pulpito. Ihahakbang ko na sana ang aking kanang paa nang maramdaman kong hindi ito sumusunod sa aking gustong gawin.
Tinitigan ko ang aking mga kamay; hindi ako makagalaw! Anong nangyayari?
Sa isang iglap ay napunta ako sa ibang silid. Nakita kong nakabulagta si Nina sa sahig. Lalapitan ko sana siya pero hindi pa rin ako makakilos. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha.
Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Nina. Gusto kong sumigaw pero walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Unti-unting bumigay ang aking mga paa. Napaluhod ako at napadapa sa sahig.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!