Reyden
Lalo akong natigilan na parang estatwa. Pumatak ang butil ng pawis mula sa aking noo.
Ang naramdaman kong halik noong gabing naghiwalay kami ni Mia at ang mga salitang narinig ko na inakala kong guni-guni ko lamang ay parehong-pareho sa ipinaramdam niya sa akin ngayon.
Ang babaeng nakita ko sa roofdeck ng hospital, ang babaeng patakbong papalapit sa akin bago ko suntukin ang salamin ng van, at ang mga bilugang matang nakikita ko sa panaginip ay walang iba kundi si Nina. All this time she has been with me; she was always with me!
Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang nalaman?
"Nina!" Sabik na sabik kong sambit sa kanyang pangalan.
Hindi ito kapanipaniwala!
Ipinulupot ko ang nanginginig kong mga braso sa kanyang likod at mahigpit siyang hinagkan na para bang ngayon lang kami nagkita sa loob ng mahabang panahon.
Hindi ko alam kung anong milagro ang nagaganap at hindi ko rin alam kung hanggang kailan ito. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang babaeng kayakap ko ngayon na siya rin palang babaeng minahal ko ng sobra-sobra mula pa noon.
Kaya pala hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin siya! Kaya pala sobra akong attracted sa kanya!
Nagkakaroon na ng kasagutan ang lahat mula noong naging malapit kami ni Celine hanggang sa ma-diagnose siyang may MPD. Ngayon ko lang napagtanto, wala talaga siyang MPD! Ang ghost na sinabi ni Ethan, iyon ang tunay niyang pagkatao.
Malinaw na sa akin ang lahat! Kaya pala ganon ang mga kilos nila Ate Bel at Ethan! Kaya pala parang wala lang sa kanila na nawala si Nina dahil lumipat lang siya sa katawan ni Mia!
Nakakainis sila! Bakit hindi nila sinabi!
Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Napapikit ako. May isa na lang akong hindi maintindihan; why can't she remember that all those dreams are real? Bakit hindi niya nakikita sila Celine at Mia sa kanyang panaginip?
"Do you find me weird?" Pabulong niyang tanong.
"Yeah, so weird that I just want to love you more." Pabulong ko ring sagot.
Naramdaman kong kumalma siya at nabawasan ang tensyon sa kanyang katawan dahil siguro nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.
"One more thing Reyds, I'm sick!" Bulong niya.
Inalis ko ang nakapulupot kong mga kamay sa kanyang katawan at mariin ko siyang tinitigan.
"What do you mean by sick?" Nag-aalala kong tanong.
Napangiwi siya sabay kamot ng kanyang ulo. "May sakit ako pero walang doktor na makapagsabi kung ano! Bigla-bigla na lang akong nahihilo at natutumba, nakakaramdam ako ng sakit sa iba't-ibang parte na katawan ko na hindi ko malaman kung saan nagmumula." Naibulalas niya.
"Nasubukan mo na bang pumunta sa albularyo or sa mga spirit experts?" Hindi ko pinag-isipang tanong.
Nakita kong napangiti siya sabay tawa. "Really, Reyden? Naniniwala ka sa mga ganon?"
Natawa ako sa reaksyon niya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap sa akin na tanggapin na totoo ang mga kakaibang bagay na nangyari sa nakaraan.
Ngayon sigurado na ako sa dapat kong paniwalaan. "Yup, I believe on those things!" Seryoso kong sagot sa tanong niya.
Bumilog ang kanyang mga mata sa pagkamangha. Hindi pa rin siya makapaniwala sa isinagot ko. Maaari kayang may kinalaman ang sakit na sinasabi niya sa kanyang pagkatao?
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!