Nina
Dalawang araw pa kaming nanatili ni Reyden sa Baguio bago kami muling lumuwas pa Maynila. Sa dalawang araw na iyon ay naipakilala ko siya ng husto kila Nanay at Tatay na botong-boto sa kanya. Kulang na lang ay ipagtabuyan nila ako para hindi ko na pakawalan si Reyden.
Nakabalik na sa Australia sina Kuya Ace at Celine na planong ilipad na lang ang buong pamilya para sa kanilang kasal doon. Nauna na ring umuwi si Dad at Tita Grace sa Maynila na lilipad na rin pa Amerika ngayong araw.
Kinuha ni Dad ang itim na bag na pagmamay-ari ng tatay ni Celine at ibinigay ito sa mga pulis. Pinayuhan niya kami na huwag nang mag-alala at mga pulis na ang bahalang maghanap sa lalaking iyon.
Bumungad sa amin ni Reyden ang condo niyang amoy kulob at alikabok. Ang tagal din naming nawala! Agad kong binuksan ang mga bintana at ang veranda para mawala ang amoy. Binuksan ni Reyden ang mga kwarto at mabilisang tinanggal ang mga nakatakip na tela sa higaan at appliances.
Pagkapasok ko sa guest room ay nakita kong maayos na ang basag na bintana at salamin.
"When did they fix everything?" Mangha kong tanong.
Lumapit sa akin si Reyden at niyakap ako patalikod. "I asked the property admin to fix the room before we flew to California." Simple niyang sagot.
Tumango-tango lang ako. Pwede pala 'yon!
"Are you hungry?" Tanong niya.
Umiling ako dahil kumain na kami ng dinner sa biyahe kanina.
"I'm sleepy." Sagot ko.
Ngumiti siya sabay hatak sa akin papunta sa kwarto niya.
"I should stay on the guest room." Biro ko.
"Nah, you're already mine. Binigay ka na sa akin ni Nanay at Tatay kaya magkatabi na tayong matutulog simula ngayon." Pilyo niyang sabi.
---------------------------------------
Magkaharap kaming magkatabi sa kama. Natatakpan ng kumot ang kalahating bahagi ng aming mga katawan. Wala kaming ginagawa kundi ang titigan ang isa't-isa.
"Nina, I love you." Bulong ni Reyden na mukhang hindi pa inaantok.
Ngumiti ako. "I love you too." Ganti kong bulong.
"When we get married, lilipat tayo ng bahay para mas safe sa mga bata." Bulong niya.
Mas lalo akong napangiti. "Married agad, di ka pa nga nagpo-propose." Biro ko.
Natawa siya. "Soon Nina. Patapusin muna natin si Celine at ang Kuya mo followed by Ethan and Ate Bel."
Napakamot ako ng ulo. "Ang tagal pa non!" Himutok ko. "Paano kung natorpe na naman si Ethan at nahiyang yayain yung isa."
Muling natawa si Reyden. "Kung gusto mo talaga, eh di pakasal na tayo tapos gawa na tayo agad ng baby. Or better kung gawa na tayo agad ng baby." Sabi niya sabay kabig sa akin palapit sa kanya.
Kinikilig akong napahagikgik. "Conservative ako, marriage before sex." Pang-aalaska ko sa kanya.
"Really, and where did you get that?" Hamon niya.
Napaisip ako. "Conservative ang family ko." Kunwari kong sagot.
Natawa siya. "Kaya pala buntis na si Celine." Ganti niya.
Ako naman ang natawa. "Iba naman 'yon, tawag don sigurista. Mahirap na baka mauntog si Celine."
"Eh di maging sigurista ka na rin. Mahirap na baka mauntog ako!" Mayabang niyang biro.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!