Ate Bel
May 28 at exactly 7pm nang makauwi ako sa bahay ni Dave. Bukas ang mga ilaw sa loob pero walang tao sa first floor. Nawala na nga kaya si Nina?
Umakyat ako sa second floor at pumasok sa nakabukas naming kwarto ni Nina para ilapag ang aking handbag. Muli akong lumabas at nakitang sarado ang pinto ng kwarto ni Dave at may naririnig akong kung anong ingay at halinghing sa loob.
Okay fine, they're doing it. They're having sex!
Nina's definitely gone; hindi siya papayag makipag-sex kay Dave kung nasa katawan pa siya ni Jane. Saan na naman siya napunta sa pagkakataong ito?
Muli akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Tinitigan ko ang aking cellphone nagbabakasakaling mag-ring ito at tumawag si Nina.
Ilang minuto akong nakaupo sa gilid ng kama para mag-isip. Kung saka-sakali ay pang-apat na katawan na ang susunod niyang lilipatan. Kulang-kulang isang taon na lang at maaaksidente na ang buong pamilya niya. Paano kung hindi kami umabot?
Tumayo ako at nagsimulang mag-empake ng mga gamit. Alam kong tatawag siya at kailangan ko siyang puntahan kapag nagkataon.
Alam kong babalik at babalik siya sa akin at gagawa siya ng paraan para ma-contact ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong ganoon din siya sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Inilapag ko ang cellphone sa ulunan ng kama sabay higa.
Dinadapuan pa lang ako ng antok nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin sa aking braso pataas sa aking leeg. Umingit ako at hinila ang kumot para takpan ang aking katawan. Naalala kong hindi pa pala ako nakapagbihis at nakapaglinis man lang ng katawan.
Inaantok kong hinawing muli ang kumot at bumangon. Yumuko ako para abutin ang aking tsinelas. Napatigil ako sabay lunok nang makita ko ang isang pares ng mga paa sa sahig. Bakit may multo rito? Wala dapat multo rito sa bahay!
Kunwaring hindi ko siya nakita at tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa banyo. Hindi ko siya nilingon pero ramdam na ramdam ko ang kanyang presensiya na sumusunod sa aking likuran.
Pumasok ako ng banyo at isinara ang pinto. Nag-toothbrush ako at naghilamos. Iniwasan kong tumingin sa salamin para hindi ko makita ang kaluluwang ligaw na nagpaparamdam sa akin.
Nakapikit akong nagpunas ng aking mukha sa nakasabit na tuwalya. Hindi ako natatakot sa mga multo; ayoko lang talagang ginagambala nila ako dahil parati na lang may masamang nangyayari kapag tinutulungan ko sila.
Naalala ko ang batang babaeng multo sa kapitbahay at ang nangyari noong gabing sinundan ko siya sa creek para hanapin ang kaniyang katawan. Kung hindi ako sinundan nila Nina at Dave noon ay siguradong may kinalagyan ako.
Simula nang mahuli ang lalaking humabol sa amin ng itak ay nawala na rin ang multo. Ang taong iyon siguro ang pumatay sa kanya.
Lumabas ako ng banyo. Ramdam ko pa rin ang nakabuntot na multo sa akin.
Maghuhubad na sana ako nang mapaisip ako sabay pakawala ng malakas na buntong-hininga.
"What do you want?" Hindi ko na natiis ang pagsunod-sunod niya. Paano ako magbibihis kung may multong nakatingin sa akin!
Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang nasa aking harapan.
"Kade?" Takang-taka kong tanong.
Nakakulong na ang pumatay sa kanya. Bakit nandito pa siya? Ano pang dahilan at nananatili siya sa mundong ito?
Lumapit siya sa akin at sinubukang haplusin ang aking pisngi. Ramdam ko ang pagtindig ng aking mga balahibo kahit hindi naman niya ako nahawakan. Mahina pa ang kanyang enerhiya para makahawak ng isang buhay na tao.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mistero / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!