Nina
"No, no, no!!!!" Sigaw ko sabay lapit kay Jodie na agad na bumagsak sa kama.
Rinig sa buong silid ang pagbagsak ng baril sa sahig na nakatawag ng pansin sa mga pulis na sa bilis ng pangyayari ay wala man lang nagawa. Nagulantang ang lahat sa putok ng baril at rinig ko ang pagsigaw ni Reyden para humingi ng tulong.
Idiniin ko ang aking kamay sa dibdib ni Jodie kung saan bumubulwak ang dugo galing sa tama ng bala. Dilat ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin habang tumutulo ang dugo mula sa kanyang bibig.
"No, Jodie, please!" Humahagulgol kong pakiusap sa kanya. Paulit-ulit kong ibinulong na huwag siyang susuko nagbabakasakaling pakinggan niya ako.
Pumatak ang aking mga luha sa kanyang mukha habang yakap-yakap ko siya. "I'm sorry, I'm sorry!" Paulit-ulit kong bulong. Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit nangyari ang ganito!
Bahagya siyang ngumiti bago tuluyang mawalan ng liwanag ang kanyang mga mata. Bumagal ang naghihingalo niyang paghinga.
"No! Please, no! Please God! Huwag si Jodie, huwag siya; huwag mo siyang kunin!" Hagulgol kong usal.
Naramdaman ko ang pagkayap ni Reyden sa aking likuran habang inilalayo ako kay Jodie. Maraming lumapit na mga nurse na agad na naglapat ng first aid bago nila mabilis na iniandar ang kama ni Jodie palabas ng kwarto.
Humahagulgol akong sumunod hanggang sa maipasok siya sa operating room. Pati ang sipon ko ay tumutulo na nang mapatingin ako sa tinted na salamin ng O.R. Nagkalat ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Nanginginig ang mga kamay ko na puno ng dugo. Naging kulay pula ang pink na t-shirt na aking suot. Maging ang aking pantalon ay may tilamsik ng dugo.
"Nina, calm down. Come here." Nananantyang sabi ni Reyden sabay hila sa akin palapit sa kanya.
Tinitigan ko siya sabay iyak muli. "Kasalanan ko lahat, kung hindi ako umalis sa katawan niya hindi sana siya magpapakamatay!" Humihikbi kong sabi.
"That's not true. You've done everything to save her. Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya." Seryosong sabi ni Reyden na pilit akong pinapatahan sa pag-iyak.
Umiling ako. "Kasalanan ko talaga. Sa lahat ng babaeng nailigtas ko, bakit ang bestfriend ko pa ang hindi ko nagawang tulungan." Sising-sisi kong sabi.
Lumabas ang doktor mula sa OR. Bakit ang bilis niyang lumabas? Inalis niya ang mask at ang suot niyang hair cap. Malungkot siyang humarap sa amin sabay iling.
"We're very sorry. Tinamaan ng bala ang major artery sa puso niya. Too much bleeding; hindi kinaya ng katawan niya. I'm really sorry." Marahang balita ng doktor.
Muling naipon ang luha sa aking mga mata. Lumong-lumo akong napasandal sa pader. Totoo ba ito? Wala na si Jodie? Wala na ang kaibigan ko! Walang buhay akong napaupo at nagmukmok. Kasalanan ko kung bakit siya namatay! Katulad ng sinabi niya, kasalanan ko ang lahat!
-----------------------------------------
Reyden
Mugtong-mugto na ang mga mata ni Nina. Tulala at walang imik siyang nakaupo habang hinihintay na mailabas sa OR ang bangkay ni Jodie. Bigla na lang siyang tumigil sa pag-iyak kanina at hindi na kumibo. Nailabas na ba niya ang lahat ng pwede niyang iluha?
Wala akong magawa kundi ang manatili sa kanyang tabi. Gusto ko siyang aluhin pero parang mas makabubuting manahimik na lang muna sa mga oras na ito.
Nasasaktan akong makita siyang ganito. Bakit parati na lang siyang nahihirapan? Bakit kailangan na siya parati ang nasasaktan? Kailangan niya ba talagang pagdaanan ang lahat ng ito? Nagsisisi ba siya na tinanggap niya ang deal ng guardian? Kung papipiliin siya, pipiliin niya bang kalimutan na lang ang lahat? Pwede bang makalimutan niya na lang ulit ang lahat?
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!