Reyden
Awang-awa akong nakatitig kay Nina habang hawak hawak ko ang kanyang kamay. Nangangayayat na siya at lumalalim at nangingitim na ang paligid ng kanyang mga mata.
Inilapit ko ang kanyang kamay sa aking labi sabay halik dito. Kaya mo 'yan. Huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko.
Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Reyds." Usal niya.
"I'm here." Pabulong kong sagot.
Pilit siyang ngumiti. "I'm hungry." Mahina niyang sabi.
Gumanti ako ng ngiti. Hinagod ko ang pawis niyang buhok. "What do you want to eat?" Malambing kong tanong.
Lumunok siya. "Anything, basta luto mo."
"Okay, just take a rest so you can eat a lot later." Payo ko sa kanya.
Tumango lang siya at muling pumikit.
Ibinaba ko ang kanyang kamay at itinaas ang kumot hanggang sa kanyang dibdib. Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papano ay nakakakain siya ng hapunan at umaayos ang kanyang pakiramdam sa gabi.
Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Ethan; mukha siyang masaya.
"Reyden, Ate Bel is here in the Philippines!" Excited niyang balita.
Napangiti ako dahil ilang araw na naming sinusubukang kontakin si Ate Bel.
"Really?"
Tumango siya.
"Kelan pa?" Tanong ko.
"She just left California yesterday." Agad niyang sagot.
Napaisip ako. Sino ang una niyang pupuntahan pagkarating na pagkarating niya rito sa Pilipinas?
Nag-ring ang doorbell.
"Ow, I ordered some pizza." Agad kong sabi sabay tungo sa pintuan.
"That's nice, I'm hungry!" Sabi ni Ethan sabay lakad papunta sa kitchen.
Pinihit ko ang doorknob habang kinakapa ang aking wallet sa likurang bulsa ng aking pantalon.
Bumunot na ako ng pambayad bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto.
"How much?" Tanong ko habang nakatingin sa cash na aking hawak.
"I'm not for sale." Sagot ng boses na nanggagaling sa isang babae.
Nakakunot noo akong napatingin sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong hindi siya ang delivery boy.
"Bumibili ka na ba ng babae ngayon, Reyden?" Biro niya sabay halukipkip ng kanyang mga kamay.
Lalong nagsalubong ang kilay ko nang tawagin niya ang aking pangalan. Hindi ako nakaimik dahil iniisip ko kung kilala ko ba siya o hindi.
Ilang segundo akong nakatulalang nakatitig sa magandang babaeng nasa aking harapan. Sinipat ko ang kanyang mukha mula sa mata niyang may suot na salamin hanggang sa magaganda niyang labi. Nakapusod ang itim at mahaba niyang buhok.
Nakasuot siya ng isang simpleng itim na blouse na tinernuhan niya ng three fourths na blue denim at converse na sapatos. Napababa ang tingin ko sa balingkinitan at sexy niyang katawan na halata kahit hindi hapit ang kanyang kasuotan.
Napansin ko ang malaking travel backpack na suot niya sa kanyang likuran. Mukha siyang pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan kami nagkita.
Napatagal yata masyado ang pagkakatitig ko sa kaniya. Narinig ko siyang malakas na bumuntong-hininga sabay pisil sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystère / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!