CHAPTER 23: Forgotten Dream

1.1K 98 25
                                    

Nina

"Are you sure they're okay?" Alalang-alala kong tanong kay Reyden nang makarinig kami ng tili sa loob ng kwarto. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Don't worry, they're fine." Sagot niya sabay subo ng pagkain.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto. "Sigurado ka?" Paniniyak ko.

"I'm sure. Kumain ka na lang." Ngingiti-ngiti niyang sagot na parang hindi man lang siya nag-aalala.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinarap ang pagkain sa mesa.

Pagkatapos naming mag-agahan ay binuksan na ni Reyden ang pinto ng kwarto. Nadatnan naming nakaupo si Ate Bel at Ethan sa magkabilang gilid ng kama.

Gulo-gulo ang buhok ni Ethan habang pulang-pula naman ang pisngi ni Ate Bel. Anong nangyari sa kanilang dalawa? Agad na tumayo si Ate Bel.

"Huwag kasi kayong kain ng kain ng chips dito sa kwarto para hindi tayo ipisin!" Gigil niyang sabi sabay labas ng kwarto.

Nakita kong minamasahe ni Ethan ang kanyang ulo. Lumapit ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Taka kong tanong.

Tumango siya sabay tayo. "Huwag magpapakita sa akin ang ipis na 'yan kundi titirisin ko talaga siya." Bulong niya.

Parang wala siya sa kanyang sarili na lumabas ng kwarto at pumasok sa kabilang silid. Napalabi ako sabay tingin kay Reyden.

"Hindi naman kami kumakain ng chips dito ah." Naguguluhang bulong ni Reyden.

Napakamot ako ng ulo. "Anong meron sa chips? Anong meron sa ipis?" Takang-taka kong tanong.

------------------------------------------

Nakatitig silang tatlo sa akin habang nakaupo kami sa sofa. Bukas ang TV pero ako ang pinapanood nila. Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas dose na naman ng tanghali. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na okay na ako at wala akong nararamdaman pero hindi pa rin sila naniniwala.

Lumipas ang mga minuto at nag-aabang pa rin sila kung aatakihin na naman ako ng sakit. Natapos ang alas dose pero wala pa ring nangyayari sa akin. Ngumiti ako at natawa.

"Okay na ako!" Basag ko sa katahimikan.

Nakita kong napangiti silang tatlo lalo na si Reyden at Ethan.

Dumikit sa akin si Reyden at inakbayan ako. Idinantay ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"I need to go to California!" Ako ang muling bumasag sa katahimikan.

Napatingin silang lahat sa akin. Walang kumikibo sa kanilang tatlo.

"Why California?" Nagtatakang tanong ni Reyden.

"She's there!" Nag-aalangan kong sagot.

"Who's there?" Tanong ni Ethan.

"Myself!" Sagot ko.

Nakita kong napalunok si Ate Bel. Hindi na naman sila kumikibong tatlo.

"I know you know what I'm talking about, especially you Ate Bel." Patuloy ko.

Nagsalubong ang kilay ni Ate Bel. "I don't have any idea what you are talking about." Takang-taka niyang tanong.

"You told me she's real; that she's me." Sagot ko.

"When did I tell you that?" Muli niyang tanong na parang hindi niya alam ang sinasabi ko.

"Yesterday, inside the dream." Sigurado kong sagot.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon