CHAPTER 43: 50 Years Old

1K 90 32
                                    

Nina

Napakislot siya sa pagkakakiliti nang hindi ako tumigil sa paghalik sa kanyang leeg. Kinikilig siyang tumawa hanggang sa hindi na siya makatiis. Humarap siya sa akin at kinabig ako padikit sa kanya. Gumanti siya ng halik na dumapo sa aking mga pisngi pababa sa aking leeg.

Napahagikgik ako sa kiliti nang ulit-ulitin niya akong halikan sa leeg.

"Stop, stop!" Kinikilig kong sabi.

"Sino ba ang nag-umpisa?" Banat niya sabay halik muli.

"Stop, baka makita tayo ni Ethan!" Pagdadahilan ko.

"Kanina ko pa kayo nakikita!" Sabat ni Ethan na nakatayo sa hindi kalayuan.

Namula ang pisngi ko at agad na umalis sa pagkakalingkis ni Reyden. Kanina pa ba siya riyan?

"Tssk. Masyado kayong sweet; ang sarap niyong ipakagat sa langgam." Biro ni Ethan.

Napangiti ako. "Inggit ka lang. Torpe ka kasi!" Pang-aasar ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit hindi pa kayo nakabihis? We're going to Mr. Liam's office." Sabi niya para ibahin na naman ang usapan.

Napansin kong bihis na siya at nakasuot na ng rubber shoes.

"Jenny is still sleeping." Sabi ko.

"I'll wake her up!" Sabi niya bago pumasok sa aming kwarto.

"Let's go. He really wants to find Ate Bel." Sabi ni Reyden sabay tapik sa akin.

Tumango ako. "Let's get Ate Bel back and go home to the Philippines." Sabi ko.

---------------------------------

"Nagpaiwan ka na lang sana kung inaantok ka pa." Sita ni Ethan sa katabi kong si Jenny na nauntog sa salamin ng sasakyan dahil sa sobrang antok.

"I already told you Kuya, there's a ghost lingering around us! I don't want to be alone especially today." Maktol na sabi ni Jenny habang hinihipo ang nauntog niyang noo.

"Why especially today?" Curious kong tanong.

"Full moon at exactly 10:45pm later." Sagot niya.

"So?" Tanong ni Reyden.

"It means, heightened energy for all spirits as well as people with special abilities." Agad na sagot ni Jenny.

"Looks like you have learned a lot about spirits." Natutuwa kong komento.

"You're right Ate Nina. I learned a lot from Dark, he is my mentor in the Gifted Portal." Kwento niya.

"The hell Jenny, I told you to stop talking to that Dark. You do not even know that guy! Napupuyat ka lang kaka-chat sa kanya!" Nakukunsuming saway ni Ethan.

"Kuya, I'm not doing anything wrong! I'm not even doing meet-ups!" Depensa ni Jenny.

"Kahit na, just stop talking to weird people." Giit ni Ethan.

"Then I should stop talking to Ate Nina and Ate Bel?" Papilosopong tanong ni Jenny.

"Except for them of course." Salubong ang kilay na sagot ni Ethan.

"Hmmp, I should also stop talking to you! You're too weird Kuya; you create rules with a lot of exemptions!" Banat ni Jenny.

Natawa kami ni Reyden. Ang daldal talaga nitong si Jenny; parati niyang nababara ang kuya niya.

"This brat, kahit kailan hindi marunong makinig." Bubulong-bulong na sabi ni Ethan.

"This Kuya, kahit kailan kontrabida." Sagot na naman ni Jenny.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon