CHAPTER 52: Blessed

1.1K 101 23
                                    

Nina

Bahagya akong kinabahan sa paghawak ni Ate Bel sa aking kamay pero nawala ang lahat ng aking agam-agam nang makita ko si Kade sa hindi kalayuan. Napangiti ako nang kumaway siya sa amin na parang sinasabi niyang maraming salamat. Ilang saglit ang lumipas at nakita ko ang nakangiting nanay, tatay, lolo, at lola ni Jane na katabi ni Kade.

Nabalot sila ng puting liwanag bago sila tuluyang naglaho.

"They're gone." Usal ko.

Hindi nawala ang mga ngiti sa aking labi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng multo. Lumapit ako kay Ate Bel at mahigpit ko siyang niyakap; yakap na nagsasabing nagagalak ako at ipinakita niya sa akin ang mga kaluluwang natulungan namin.

"Nina, thank you for everything." Bulong niya.

Umiling ako. "No need to say thank you. You saved my life as well." Ganti kong bulong.

Ramdam ko ang kanyang pagngiti. "Then let me change that; what I really want to say is - save me again in the future." Malambing niyang bulong.

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. "Kahit ilang beses pa. I know you will do the same for me." Malambing kong bulong.

Tumango siya. Matagal kaming nagyakapan. Ang sarap sa pakiramdam na maayos na ang lahat.

"Ate Bel." Tawag ko sa kanya.

"What?" Tanong niya.

"Bakit ang laki ng boobs mo?" Nakanguso kong tanong dahil ramdam na ramdam ko ang lambot ng dibdib niya kahit nakasuot siya ng jacket.

Natawa siya sabay tusok sa aking tagiliran. "May boobs ka rin naman, di nga lang malaki." Pang-aasar niya.

Napalabi ako sabay ganti ng kiliti sa kanya. "Ang sama mo, Ate Bel." Sabi ko sabay tawa.

Humagikgik siya. "Pasalamat ka na lang, hindi ka totally flat, di ba." Patuloy niyang pang-aasar.

"What flat are you talking about?" Nakangiting tanong ni Ethan na papalapit sa amin.

"Yung boo—" Sagot ni Ate Bel na agad kong pinutol. Tinakpan ko ang bibig niya para hindi siya makapagsalita.

"Nothing!" Singit ko.

"Really? Flat naman talaga ang dibdib mo." Walang prenong sabi ni Ethan.

Napamulagat ang mata ko sabay tadyak sa paa ni Ethan. Lalong natawa si Ate Bel habang hinihimas ni Ethan ang masakit niyang paa. Na-miss ko ang ganitong klase ng pagtawa niya.

-------------------------------------

"Time to part ways." Sabi ni Dark na sumakay na sa itim na motorsiklo na naka-park sa entrance ng lumang ospital.

"Thank you so much!" Sabi ko sa kanya na sinundan din ng pasasalamat ng aking mga kasama.

Ngumiti siya bago niya inilagay ang takip sa kanyang bibig. "Be careful next time, don't let others know that your friend is a Fallen. And Jenny, remember what I told you, always keep the crystal close to your body." Bilin niya bago niya inistart ang motor.

"What's your real name?" Excited na tanong ni Jenny.

"Just call me Lady in the Dark." Sagot niya bago siya kumaway at tuluyang umandar palayo.

"Cool!" Hindi mapigilang usal ni Jenny habang sinusundan niya ng tingin ang misteryosang si Dark.

-----------------------------------

Pare-pareho kaming hindi makagulapay dahil sa sakit ng aming mga katawan. Magtatanghali na pero wala pa ring bumabangon sa amin. Pagkatapos namin sa lumang ospital kagabi ay dumiretso kami sa pinakamalapit na hospital para ipatingin ang sugat ni Reyden.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon