Ethan
"That-- that you need to take a bath!" Usal ko! Minsan naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Bakit ba kinakabahan ako na sabihing mahal ko siya!
Naramdaman ko ang pagbatok niya sa akin. Napaupo ako sa sahig sabay hawak sa aking ulo.
"Bwisit ka talaga!" Singhal niya.
Mukhang umepekto na ang gamot sa lakas ng batok niya! Muli akong ngumiti at sumenyas na huwag siyang maingay. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin.
Hinimas-himas niya ang kanyang mga binti. Lumuhod ako sa kanyang harapan at tinulungan siyang hilutin ang mga ito. Napatingin siya sa akin nang medyo mapataas sa kanyang hita ang aking mga kamay. Muli kong ibinaba ang kamay ko sa kanyang tuhod. Baka nga naman iba ang aking mahawakan.
"We need to get out of here once they start running." Bulong ko sa kanya.
Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Nina and Reyden?" Tanong niya.
Tumango ako. "With Jenny." Dugtong ko.
"Jenny?" Kunot-noo at hindi niya makapaniwalang tanong.
"Mahabang kwento. Mamaya ko na sasabihin. Come on, let's get ready." Sabi ko sa kanya.
Ikinawit ko ang mga kamay ko paikot sa kanyang kilikili hanggang sa kaniyang balikat at buong lakas ko siyang itinayo. Napakapit siya sa aking leeg nang iapak niya ang kanyang mga paa na agad na bumigay. Agad ko siyang sinalo at mahigpit na niyakap.
Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kanyang hininga sa aking leeg. "Ate Bel—" Usal ko. Muli akong napalunok. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"What?" Tanong niya.
Bago pa ako makasagot ay narinig naming may sumigaw! Umalingawngaw ang galit na galit na boses ng isang babae.
"Find her!" Nanggagalaiting sigaw ni Meridith.
Ilang segundo lang ang lumipas at narinig naming sumigaw si Reyden. "Run Nina, run Ate Bel!"
"We need to go!" Sabi ko sabay buhat kay Ate Bel.
"Ethan." Protesta niya.
"Just stay still, okay!" Sabi ko sa kanya.
Nang marinig ko ang mabibilis na takbo ng mga paa pababa ng hagdan ay agad na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa fire exit. Pagkatulak ko sa pinto ay agad akong pumasok. Sumara ang pinto.
"Ang dilim! Put me down." Bulong ni Ate Bel.
Ibinaba ko siya at kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone. Binuksan ko ang flashlight nito at agad na inilawan ang daan. Malinis naman ang daan pababa.
Tumalikod ako kay Ate Bel at iniharap ko sa kanya ang aking likod. "Come on, piggy back ride!" Mahina kong sabi.
"What?" Gulat niyang tanong.
"Halika na. We need to move fast! You still can't run." Giit ko dahil alam kong nanghihina pa rin ang kanyang mga paa.
Wala na siyang nagawa kundi ang ipulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg at sumakay sa aking likod. Pagkasakay niya ay ikinawit ko ang kanyang mga paa sa aking braso. Mabilis akong bumaba ng hagdan habang ramdam na ramdam ang kanyang malambot na katawan sa aking likod.
"Ethan. I'm sorry I hurt you." Bulong niya sa aking tenga na ang tinutukoy ay ang nangyari sa simbahan.
"It's okay. You don't need to say sorry." Pabulong ko ring sagot.
Ilang minuto lang ang lumipas at tuluyan kaming nakababa sa pinakaunang palapag. Lumabas kami ng building at nagmamadali kong tinahak ang daan patungo sa likurang bahagi ng gusali kung saan din kami dumaan kanina.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!