Nina
Hindi talaga ako makapaniwalang totoo si Dave. Ilang beses ko siyang nakita sa panaginip pero hindi ko lubos na akalaing makikita ko siya ngayon. He was the one who saved me from drowning!
Pagkababa ko sa taxi ay napansin ko ang seryosong mukha ni Reyden. Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy siyang naglakad pabalik sa apartment.
"Reyden!" Tawag ko pero hindi siya lumingon.
Ngingiti-ngiting naglakad si Ethan sabay paismid na tumingin sa akin.
"What?" Nakamulagat kong tanong sa kanya.
"Ang manhid mo rin ano! Nagseselos na ang boyfriend mo, hindi mo pa napansin!" Sarkastik niyang sabi.
Napangisi ako. Oh shit, I wasn't expecting that. Mabilis akong naglakad para habulin si Reyden. Halatang badtrip siya sa itsura ng kanyang mukha at sa malalim niyang tingin sa akin. Hindi niya ako pinansin pagkapasok sa elevator hanggang sa makalabas kaming dalawa.
Nauna kaming pumasok sa apartment. Wala pa ring lingon-likod si Reyden na ibinaba ang mga grocery bags sa mesa sabay lakad patungo sa kanilang kwarto.
"Reyds, wait, wait lang, please!" Nagmamakaawa kong habol sa kanya.
Tinitigan niya ako gamit ang galit niyang mga mata. "I know we're not official, but for god's sake Nina, don't make me feel jealous!" Singhal niya. Ngayon lang siya nagalit ng ganito.
Napalunok ako sa aking narinig. Hindi ko naman sinasadya.
"I'm sorry! I was just so amazed that he's real!" Depensa ko.
"Really, ang ganda ng mata niya noh? Sorry, hindi blue ang kulay ng mata ko!" Sumbat niya.
Napalabi ako. "Maganda ang mga mata niya dahil kakaiba, pero hindi ko naman sinabing mas gusto ko ang mga mata niya kaysa sa'yo." Mas lumapit ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Mahal kita! Let's make it official para hindi ka na magselos; tayo na!" Seryoso kong sabi.
Napangisi siya. "That's not enough! I want more than that!" Sabi niya sabay hatak sa akin palapit sa kanya. Hinawakan niya ang aking batok sabay lapat ng mapusok na halik sa aking labi. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit sa sobrang pagkabigla.
"Ummm...ummm..." Halinghing ko sa bawat paggalaw ng kanyang bibig.
Kapwa kami humihingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Hinahabol ko ang aking hininga habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata. That was the first time na hinalikan niya ako; and it felt so amazing.
Bumukas ang pinto ng apartment at magkasunod na pumasok si Ate Bel at Ethan. Naghiwalay kami ni Reyden.
"Ano, suntukan ulit? Balik tayo sa gym?" Nang-aasar na bungad ni Ethan.
Puro talaga biro itong si Ethan. Nagkatinginan kami ni Reyden sabay pasimpleng nagngitian.
"Were fine!" Sagot ni Reyden na muli nang bumalik sa kusina at inilabas ang mga pinamili namin na para bang walang nangyaring halikan kanina.
Napangiti na lang ako sabay hawak sa aking labi. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya talaga ako.
Pagkatapos mailagay lahat ng mga gamit sa cabinet ay agad na kinuha ni Reyden ang mapang binili niya at inilatag ito sa mesa. Lumapit kaming lahat at naupo sa paligid ng mesa.
"Ate Bel, let's trace back. Saan huling nagpunta si Nina bago siya nawala sa katawan ni Jane?" Agad niyang tanong.
Napaisip si Ate Bel. "Okay, let's see. It was May 28-" Bungad niya sabay kuha ng kanyang cellphone. "She last called me at 7:36 in the morning. Sinabi niyang pupunta sila sa kulungan dahil nahuli na ang pumapatay sa pamilya ni Jane." Patuloy niya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!