****Mamamatay silang lahat kapag hindi ko nakita ang bag! Patakbo akong umikot sa mesang kanilang inuupuan pero wala akong nakita! Tinatanong nila kung anong hinahanap ko pero hindi ko pa rin sila pinapansin.
Muli akong lumayo at nagmasid. Napansin ko ang itim na bag na nakalapag sa gilid ng isang halamanan. Iyon ang bag! Tumakbo ako at agad itong hinatak. Hindi ito kabigatan kaya naman bago pa sumabog ay initsa ko na ito sa ere papunta sa mapuno at walang taong parte ng restaurant.
---------------------------------
Nina
Kabadong -kabado ako na napatakip sa aking tenga. Kitang-kita ko nang bumukas ang bag sa ere at iniluwa nito ang stainless na mga mangkok at maliit na kaserola.
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig. Hindi bomba ang laman! Umakyat lahat ng hiya sa katawan ko papunta sa aking pisngi. Malakamatis ang kulay ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Shit!
Nagtinginan silang lahat pati na rin ang mga crew ng restaurant at ang ibang mga taong kumakain nang bumagsak at malakas na kumalansing ang mga mangkok at kaldero sa lapag. Napatingin ako kay Reyden na halos mapatakip ang kamay sa kanyang mukha dahil sa kahihiyang nagawa ko. Halos maibuga naman ng mga kapatid ko ang juice na iniinom nila habang nakamulagat lang at nakatanga si Nanay at Tatay.
Napalunok ako nang sobra-sobra. Buti na lang hindi bomba! Nabunutan ako ng tinik pero hiyang-hiya naman ako! Paano ako haharap sa kanilang lahat? Pwede bang magpalamon na lang sa lupa? Haist! Huminga ako nang malalim. Nilakasan ko ang aking loob at pinilit na ngumiti. Humarap ako sa table kung saan nakapaikot silang lahat sabay taas ng aking mga kamay na para akong nanalo sa lotto.
"Congratulations Kuya and Celine!" Masigla kong sigaw. Kainis talaga ang pinaggagagawa kong ito. Nakakahiya!
Walang nag-react sa kanilang lahat na nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas at biglang tumawa si Celine.
"Thank you!" Tatawa-tawa niyang sabi sabay palakpak ng kanyang kamay.
Tumayo siya at bukas palad niya akong niyakap.
"I miss you, Nina!" Sabi niya sabay hagod sa likod ko.
Mahigpit ko siyang niyakap at ibinaon ko ang mukha kong namumula pa rin sa kanyang balikat.
"I miss you too, Celine!" Bulong ko. Kung alam niya lang ang nararamdaman ko ngayon! Kung alam niya lang na nandito ang tunay niyang ama! Kung alam niya lang na nasa peligro ang kanyang buhay!
Pagkatapos naming magyakapan ay agad akong nagmano kay Tita Grace na nakilala na ako noong pumunta kami sa US. Pagtapat ko kay Dad ay agad akong nagbigay galang. I miss him. He had been my father for years noong nasa katawan ako ni Celine!
"Nina po!" Agad kong pakilala.
Ngumiti siya. Ngiti na nagsasabing may kilala siyang Nina noon. "It's very nice to meet my son's girlfriend." Sabi niya na mukhang hindi na lang pinansin ang kabaliwang nagawa ko.
Magalang akong sumagot. Naramdaman ko sa aking balikat ang kamay ni Reyden.
Namumula pa rin ang mukha niya na halatang pinipigilan lang ang tawang gusto niyang pakawalan. Nginisian ko siya. Napaka-supportive niyang boyfriend! Hindi man lang niya ako sinalo kanina! Inihatid niya ako sa aking upuan at umupo na rin siya sa tabi ni Dad.
----------------------------------------------------------
Lumipas ang buong dinner na pinipilit ko lang makipagkulitan. Ang totoo ay hindi ako mapakali dahil alam kong nandito ang baliw na tatay ni Celine!
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Truth & Lies
Mystery / ThrillerBOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina continues her mission to get back the life she hopes for!