Chapter Nine

19K 743 99
                                    

Song: Speechless- Dan + Shay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Speechless- Dan + Shay

Smile

I patiently waited outside the main palace's door for my father's presidential car to arrive. I'm being surrounded by my bodyguards and they're heavily checking the perimeters.

Kahit ang mga nagtatrabaho dito sa Malacañang ay inaantabayanan na rin ang kanilang pagdating. Umayos ako ng tayo nang matanaw ko na ang pagpasok ng sasakyan kung nasaan ang mga magulang ko. Ang mga nagtatrabaho sa palasyo ay lumabas na rin upang salubungin siya.

Axel went down to open the car door for them when their car stops in front of us. Unang lumabas si Daddy. Inalalayan niya namang lumabas si Mommy. Agad na hinanap ni Mommy ang mga mata ko. I smiled a little at her.

"How you been?" tanong niya.

"I'm fine, Mom." tipid kong sagot.

Magsasalita pa sana siya nang bigla namang lumapit sakanya ang kanyang sekretarya. I gave way for her as she hands a phone to my Mom.

"You got a call, Ma'am."

"Oh!" agad niyang kinuha ang telepono sa kanyang sekretarya. "Hello? Oh, yes we just arrived."

Humakbang siya at nagbigay daan naman ako para makapasok na siya ng palasyo. Mukhang marami pa siyang gagawin.

"Excuse me, Aria. I'll catch up with you later." she whispered and then she went back to her phone.

I wanted to laugh at that moment. As if that catching up is going to happen. Knowing that she's a busy person, there's a bigger chance that it won't happen.

I licked my lower lip and crossed my arms over my chest. I wait for my father to greet me. Abala pa siya sa pakikipag usap sa kanyang PSG.

When he finished, he fixed his suit to look more presentable. Humakbang siya ng kaunti at tsaka tumigil sa harap ko.

"Aria," he said my name like he was greeting me.

"Hi-"

Hindi pa ako nakakabati ng maayos ay agad namang umeksena ang kanyang sekretarya. Agad na lumapit sakanya ito at ipinakita ang laman ng papel na hawak. Hula ko laman noon ay ang mga trabahong gagawin niya ngayong araw.

Ibinalewala na ako ni Daddy pagkatapos na ilahad sakanya ng kanyang sekretarya ang kanyang mga gagawin. Hinayaan ko nalang siyang lagpasan ako. He got inside the palace and immediately walked towards his office.

I sighed heavily. I pressed my lips into a thin line. I guess I just wasted my time here.

Nang pumasok na akong muli sa loob palasyo ay agad namang sumunod ang mga bodyguards ko sa akin. Gusto ko sanang itanong kung bakit full-force pa sila sa pagbabantay sa akin gayong nasa loob lang naman ako ng palasyo? Pero wala ako sa mood kaya hindi na ako nagsayang pa ng laway.

Endless Love (Castellaño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon