Chapter Eleven

18.1K 583 72
                                    

Song: After the Heartbreak- Brielle Von Hugel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: After the Heartbreak- Brielle Von Hugel

Dinner

Makalipas ang ilang oras ay sinamahan na kami ni Mommy sa dining area. Umupo siya sa kabisera at masayang ngumiti kay Kuya Sven.

"Nasaan po si Tito Leon, Tita?" tanong ni Kuya Sven sakanya.

Ngumuso siya at malungkot na ngumiti. "Naku! Maraming trabahong ginagawa. Di bale... nasabi ko naman na nandito ka. Baka bumaba rin iyon mamaya-maya. Kumusta ka ba?"

Kuya Sven smiled boyishly. "Well, Tita, I'm doing great. Just enjoying life and letting my brother handle the business."

Umirap ako. Siya itong panganay pero mas ibinigay niya ang responsibilidad sa mas nakababata niyang kapatid. Thank God Kuya Isias is ready to take the responsibility!

Dapat kasi talaga ay itong si Kuya Sven ang namamahala sa business nila. Ngunit dahil loko-loko siya, nawalan ng tiwala sakanya si Tito Isiah. Hinayaan nalang nito gawin ang gusto niya. Which is, enjoying his life to the fullest!

Ang dami niyang social activities these past few months. Imbitado rin siya sa iba't ibang parties. Sa tuwing tinitingnan ko ang social media accounts ko, puro update sakanya ang nakikita ko.

He went to Siargao for a cliff diving experience recently. Nagpakuha pa talaga siya ng video at ipinagmayabang pa na hindi siya natatakot na gawin iyon. I'm pretty sure namuti na naman ang mga buhok ni Tito Isiah nang dahil sa pinaggagawa niya.

I wonder if Zia ever took a break from guarding him? If I were her, matagal na siguro akong pagod!

Nagpatuloy sa pag-uusap si Kuya Sven at si Mommy habang ako naman ay tahimik lang na nakiking sakanila. I silently ate the cake that Kuya Sven brought. Pumangalumbaba ako at tamad na hiniwa ang cake at tsaka ito kinain.

I saw Kuya Sven glanced at me.

"Oh! By the way, Tita, did Aria ever mentioned to you about her plan?"

Agad akong napaangat ng tingin sakanya. I suddenly became alerted since my name was mentioned. Sumulyap sa akin si Mommy bago kuryosong ibinaling ang tingin kay Kuya Sven.

"What is it? Wala namang nasasabi sa akin si Aria."

Nagugulohang tumingin sa akin si Kuya Sven. I widen my eyes at him to tell him to drop this topic off. Humahanap pa ako ng tyempo kaya wag muna siyang ano dyan!

"She plans on opening her own atelier, Tita!" he spilled.

Sinapo ko ang noo ko at napapikit nalang. Hay naku! Ang kulit talaga!

Manghang lumingon sa akin si Mommy. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tsaka nag-iwas ng tingin.

"Why didn't you tell us about your plan, hija?"

Endless Love (Castellaño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon