Chapter Thirteen

18.3K 582 129
                                    

Song: Who We Are- Tristan Prettyman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Who We Are- Tristan Prettyman

Design

I did my usual morning routine the next day. I jogged... I exercised... I almost did anything I could just so I could keep my mind off to something else.

Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos mag-usap ni Axel kagabi. Last night was really something. Hindi siya umalis ng kwarto ko hangga't hindi niya nasisigurado na maayos na ang pakiramdam ko.

He was the last person I expected to do something to help me feel better. I was also not expecting him to open things up about his personal life. I did not even ask him to tell me those! He just did it... willingly.

"I was only fifteen years old when my mother passed away," agad akong napabaling ng tingin sakanya nang dahil sa sinabi niyang iyon. "She died because of a heart disease. Wala kaming magawa dahil... wala rin naman kaming pera pampagamot sakanya. She needed a new heart. I am so willing to giver her mine. But she told me that she will fail as a mother if she lets that happen. She wanted me to live longer.

"It's so hard to watch your mother suffer and not do anything about it. Kung siguro, mayaman lang kami... baka buhay pa siya hanggang ngayon. Baka... nakakasama pa namin siya ngayon. I wanted to take her pain away... but I don't know how."

"A-Axel... you don't have to tell these things to me-"

"No... I'm not telling you this to make you pity me. I'm telling you this because amidst the pain that her death has caused me, I learned how to look at the beauty that our life gives. Natutunan ko na tanggapin na kung nasasaktan ka man ngayon, darating din naman ang panahon kung saan magiging maayos rin ang lahat."

I pursed my lips and look away. He's such a brave and strong man... maybe this is the reason why he's always so cold, a bit distant, and dull.

Takot rin siya kagaya ko. He's afraid to show himself to someone behind his walls. I don't know what I did to make him open himself up to me.

Akalain mo 'yun... ang isang Axel Ocampo pala ay may kinatatakutan rin.

Naalala ko iyong sinabi ni Damon sa akin noon. Hindi daw bukas sakanila si Axel tungkol sa personal nitong buhay.

Kaya ano ba ang meron sa akin para sabihin niya sa akin ang mga bagay na ganito?

"Aria, what you're feeling is just temporary. There will be a day where all the pain will be gone." He looks at me gently.

"Gaano kahaba pa ba ang kailangan kong hintayin para mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko?" my voice broke.

"Trust me, Aria... I know what pain feels like. You just have to be strong... more and more... every day," bahagya naman akong nagulat nang kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. "I'm here to help you."

Hindi ko magawang titigan siya pabalik. Nanatili lang ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kaya naman nang mapansin niya iyon ay agad niya rin itong binitawan.

Endless Love (Castellaño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon