Song: Where You Belong- Kari Kimmel
Feelings
The girl now turns her head towards Axel. Bahagya niya akong itinuro.
"Sino siya?" Tanong nito.
I pursed my lips. Damn! If this is his girlfriend or... wife, I would rather go home! Baka kung ano pa ang isipin nito at baka makasira pa ako ng relasyon!
I am innocent! I have no idea about Axel's relationship. At isa pa, dineny niya sa akin noon na wala siyang girlfriend o asawa. Kaya hindi ko kasalanan kung masisira man ang relasyon nila.
Fuck! Why am I thinking too much?
"We better go back inside now." Sabi ni Axel. Sumunod naman ako sakanya.
Narinig ko naman ang patuloy na pagtatanong noong Patty sakanya tungkol sa akin. Axel remained quiet until we got back inside their house again.
"Aria, this is Patty. Patty... this is Aria." Pakilala ni Axel sa amin.
Doon lang ako nagkalakas ng loob na harapin iyong babae. Sa halip na mapanghusgang tingin ang igawad niya sa akin. Nabigla ako nang makita kong namimilog na ang kanyang mga mata.
"Oh my god! Ang anak ng... Ang anak ng presidente!" halos pasigaw niyang sinabi.
Axel immediately scolded her about being so loud. She bit her lip and apologized.
"Hi, I'm Aria. Nice to meet you." Sabi ko sabay lahad ng aking kamay.
Hindi malaman ni Patty ang unang gagawin. Nagulat siya nang makita akong naglahad ako ng kamay. Bago niya tanggapin iyon ay nagpunas muna siya ng kanyang palad gamit ang kanyang damit.
"A-Ay, Ma'am... Patricia po. Pero Patty nalang. Nice to meet you rin po!" anito at tsaka nahihiyang ngumiti.
"Ikaw naman! Hindi mo sinabi na dadalhin mo dito ang anak ng presidente. Edi sana nakapag-ayos man lang ako! Nakakahiya!" Patty hissed at Axel. Napailing nalang ito nang dahil sa sinabi niya.
"Patty is a childhood friend. Madalas siya dito at minsan tinutulungan niya si Lola sa tindahan."
I sighed in relief. Gosh! Akala ko talaga in a relationship 'tong si Axel!
Napansin ko namang bahagyang napakunot ng noo ang dalawa nang dahil sa pag bugtong ng hininga ko. Ngumiti nalang ako para hindi mahalata.
"Ma'am... naku! Dati nakikita ko lang kayo madalas sa TV tapos ngayon nandito ka! Sa harap ko pa! Jusko! Ang ganda niyo ho pala talaga sa personal."
Nahihiya akong tumawa. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinuturing ka na parang artista ng isang tao. Though it's a bit overwhelming, but it's awkward at the same time dahil pakiramdam mo ang taas taas ng tingin nila sa'yo kahit na hindi naman kailangan.
BINABASA MO ANG
Endless Love (Castellaño Series #1)
Storie d'amoreThis is not an ordinary love. This is an endless love.